Answered

Makakuha ng eksaktong at maaasahang sagot sa lahat ng iyong katanungan sa IDNStudy.com. Sumali sa aming platform ng tanong at sagot upang makakuha ng eksaktong tugon sa lahat ng iyong mahahalagang tanong.

Mga halimbawa ng Sawikain at ang kahulugan nito??

Sagot :

-Salawikain: Pag makitid ang kumot, magtiis kang mamaluktot.
-Kahulugan: Kung nakakaranas ng kakulangan sa buhay ang isang tao ay dapat siyang mamuhay ng naaayon sa kanyang kakayahan. Matutong magtipid at maging payak sa pamumuhay.
-Salawikain: Kung hindi ukol, hindi bubukol.
-Kahulugan: Ang swerte sa buhay ay huwag asahang makakamtan kung hindi nakalaan para sa iyo.

-Salawikain: Nasa tao ang gawa nasa Diyos ang awa.
-Kahulugan: Hindi sapat na tayo ay humingi ng awa sa Diyos, kailangan din natin na pag-ukulan ng sikap at gawa upang matamo ang mimithing biyaya.

-Salawikain: Lahat ng gubat ay may ahas.
-Kahulugan: Saan man sa ating lipunan ay may mga taong traydor na gumagawa ng mga bagay na nakalalason o nakasisira sa samahan ng bawat isa.

-Salawikain: Magkulang ka na sa magulang huwang lamang sa iyong biyenan.
-Kahulugan: Kadalasang ipinapayo eto sa mga nagbabalak magpakasal o sa mga bagong mag-asawa upang mapabuti ang kanilang pagsasama. Ang mga magulang kase ay higit na mapagtatakpan o mapapatawag ang pagkukulang ng sariling anak keysa sa pagkukulang ng ibang tao.