IDNStudy.com, ang iyong destinasyon para sa mabilis at eksaktong mga sagot. Ang aming platform ng tanong at sagot ay idinisenyo upang magbigay ng mabilis at eksaktong sagot sa lahat ng iyong mga tanong.

Tama ba ang naging hatol ng kuneho sa suliranin ng tigre at lalaki?Bakit?

Sagot :

Ang Hatol ng Kuneho

Buod:

Isang araw, nahulog sa malalim na hukay ang Tigre hanggang may mapadaan na isang tao. Humingi ng tulong ang Tigre ngunit nagdadalawang-isip ang Tao dahil baka kainin siya nito. Nangako si Tigre na hindi niya kakainin ang Tao, dahil dito, tinulungan siya ng Tao na makaahon sa malalim na hukay.

Dahil sa gutom, akmang kakainin na ng Tigre ang Tao pero nakiusap ang ito na humingi muna ng hatol kung kakainin ba siya o hindi. Sumang-ayon ang Puno at Baka na kainin ang Tao dahil siya ang dahilan kung bakit sila naghihirap.

Hanggang sa mapadaan ang isang Kuneho, tinanong siya sa hatol kung kakainin ba ang Tao o hindi pero ang sinabi ng Kuneho ay, "Magpatuloy na lamang ang tao sa paglalakbay at ang tigre ay dapat manatili na lamang sa hukay ng hindi na sila namomoroblema".

Balik tayo sa tanong,

Ang hatol ng Kuneho ay nararapat lamang dahil ang suliranin ng dalawang panig ay nag-umpisa noong tinulungan ng Tao ang Tigre sa pag-ahon sa malalim na hukay at dahil sa hindi pagtupad ng Tigre sa kanilang usapan. Hindi tumanaw ang loob ang Tigre sa kanilang usapan ng Tao kahit na ito ay tinulungan. Hindi aabot sa pagkain ng Tigre sa Tao kung sa umpisa pa lamang ay hindi na siya nagtiwala na hindi siya nito kakainin. Sa kwento na ito, mababatid natin na may mga pangako na hindi natutupad.

Para sa karagdagan na impormasyon, maaring pumunta sa mga link na ito:

https://brainly.ph/question/61850

https://brainly.ph/question/244753

brainly.ph/question/55707

brainly.ph/question/61338

brainly.ph/question/488564

Read more on Brainly.ph - https://brainly.ph/question/59651#readmore