Sumali sa IDNStudy.com at makakuha ng maraming kaalaman. Hanapin ang mga solusyong kailangan mo nang mabilis at tiyak sa tulong ng aming mga bihasang miyembro.

ano ang kasing kahulugan ng salitang masaya



Sagot :

Kasingkahulugan ng Masaya

Ang salitang masaya ay binubuo ng unlaping ma- at salitang ugat na saya. Inilalarawan nito ang pakiramdam ng isang tao na magaan at may galak sa puso. Ang kasingkahulugan ng masaya ay maligaya o malugod. Ang kasalungat naman nito ay malungkot. Sa Ingles, ito ay happy o glad.

Mga Halimbawang Pangungusap

Gamitin natin ang salitang masaya sa pangungusap upang mas maunawaan ito. Narito ang halimbawa:

  • Masaya ang mga bata sa mga natanggap nilang regalo.

  • Sana ay maging masaya ka sa iyong buhay may asawa.

  • Naging masaya ang mga manonood sa pagdating ni Vice Ganda.

Halimbawa ng mga salitang magkasingkahulugan at magkasalungat:

https://brainly.ph/question/2513032

#LearnWithBrainly