IDNStudy.com, ang iyong destinasyon para sa mabilis at kaugnay na mga sagot. Sumali sa aming interactive na platform ng tanong at sagot para sa mabilis at eksaktong tugon mula sa mga propesyonal sa iba't ibang larangan.
Sagot :
Ang ibig sabihin ng Hazard ay tumutukoy sa mga banta na maaring dulot ng kalikasan o ng gawa ng tao. Kung hindi maiiwasan, maari itong magdulot ng pinsala sa buhay, ari-arian, at kalikasan.
Mayroong dalawang pangunahing kategorya ang Hazard:
- Acute Hazard - Ang matinding panganib ay ang mga may malinaw at agarang epekto. Halimbawa: Ang pagkadulas sa sahig at pwedeng mapilayan o masugatan ito.
- Chronic Hazard - Malubhang panganib ay may mas nakatagong, pinagsama-samang, pangmatagalang epekto. Halimbawa: Bullying sa aeskwelahan man yan o trabaho, kung saan ang pang-matagalang epekto ay maaaring magresulta sa stress o iba pang pinsala sa sikolohikal.
Anim na Uri o Grupo ng Hazard:
- Pisikal - Madulas sahig, bagay sa walkways, hindi ligtas o maling paggamit makinarya, labis na ingay, mahinang ilaw, apoy.
- Kemikal - Gases, dusts, fumes, vapors at likido.
- Ergonomic - mahihirap na disenyo ng kagamitan, disenyo ng workstation, (postural) o workflow, manu-manong handling, paulit-ulit na paggalaw.
- Radiation - Microwaves, infra-red, ultraviolet, lasers, X-ray at ray gamma.
- Psychological - Shiftwork, workload, pagharap sa publiko, panliligalig, diskriminasyon, pagbabanta ng panganib, pare-pareho ang antas ng ingay, stress.
- Biological - Impeksiyon ng bakterya, virus, fungi o parasito sa pamamagitan ng pagputol, kagat ng insekto, o pakikipag-ugnay sa mga taong nahawahan o kontaminadong bagay.
Para sa dagdag kaalaman ukol sa uri ng Hazard tignan ang link na ito: https://brainly.ph/question/800986
Temporal na Katangian ng Hazard
- Frequency/ Dalas - tumutukoy sa dami nang nangyaring banta/hazard.
- Duration/Tagal - Ito naman ang nagsasabi ng tagal ng isang banta
- Speed of onset/Bilis - tumutukoy kung gaano kabilis naging hazard ang isang bagay.
Para sa dagdag kaalaman ukol sa Temporal na Katangian ng Hazard tignan ang link na ito: https://brainly.ph/question/765646
Dalawang klase ng Hazard
- Anthropogenic Hazard o Human-Induced Hazard - tumutukoy sa klase ng Hazard na bunga ng mga gawain ng tao. Ang mga polusyon tulad ng maiitim na usok na ibinubuga ng mga pabrika pati na rin ang mga sasakyan.
- Natural Hazard - Ito naman ay tumutukoy sa kalse ng Hazard na dulot ng ating kalikasan tulad ng lindol, tsunami, bagyo at landslide.
Para sa dagdag kaalaman ukol sa Klase ngdalawang Klase ng Hazard tignan ang link na ito: https://brainly.ph/question/719665
Salamat sa iyong pakikilahok. Patuloy na magbahagi ng iyong karanasan at kaalaman. Sama-sama tayong magtutulungan upang makamit ang ating mga layunin. Para sa mabilis at eksaktong mga solusyon, isipin ang IDNStudy.com. Salamat sa iyong pagbisita at sa muling pagkikita.