IDNStudy.com, ang perpektong platform para magtanong at makakuha ng maaasahang mga sagot. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng mga maalam na sagot mula sa aming komunidad ng mga propesyonal.

ano ang simuno at panaguri?

Sagot :

Ang pangungusap ay may dalawang bahagi. Ito ay ang simuno at panaguri. Ang panaguri ay ang bahagi ng pangungusap na naglalarawan sa simuno. Ang simuno, o subject sa wikang Ingles, ay ang inilalarawan o ang paksa sa isang pangungusap.

Halimbawa:

Siya ay nagtatanong ukol sa kanyang takdang-aralin.

Ang siya ay ang simuno, habang ang pnaguri naman ay ang nakasalungguhit.

Ako ay naglilinis ng aking kuwarto.

Ang ako ay ang simuno at ang panaguri ay ang nakasalungguhit.

Ang mga pangungusap na ito nasa 'di karaniwang ayos. Nangangahulugang ang simuno ang nauuna sa pangungusap. Ang panaguri naman sa ganitong pangungusap ay makikilala sa salitang ay.

Pinapaliguan ko ang alaga kong aso.

Ang alaga kong aso ay ang simuno at ang pinapaliguan ko naman ang panaguri.

Masarap magluto ang aking ina.

Ang aking ina ay ang simuno at masarap magluto naman ang panaguri.

Ang mga pangungusap na ito naman ay nasa karaniwang ayos kung saan nauuna ang panaguri at nasa hulihan ang simuno.

#AnswerForTrees

#BrainlyBookSmart