Ang Kataas-taasang, Kagalang-galang na Katipunan ng̃ mg̃á anak ng̃ Bayan o mas kilala bilang Katipunan at KKK ay isang lihim na samahan na itinatag sa Pilipinas ni Andres Bonifacio.
Ang pahayagan nila ay KALAYAAN.
Nagkaroon ito ng una at huling paglimbag noong Marso 1896. Umusbong ang mga kaisipan at gawaing rebolusyonaryo sa samahan, at pinayaman ng ilang mga tanyag na kasapi nito ang literatura ng Pilipinas.