Makahanap ng mga eksaktong solusyon sa iyong mga problema gamit ang IDNStudy.com. Magtanong at makakuha ng detalyadong sagot mula sa aming komunidad ng mga eksperto na may kaalaman.
Sagot :
Bago natin suriin ang pagkakaiba at pagkakatulad ng balagtasan sa duplo karagatan at batutian, atin muna nating silang kilalanin.
- Ang Balagtasan ay uri ng debateo pagtatalo ng dalawang magkasalungat na panig tungkol sa isang paksa. Ipinahahayag ng dalawang panig ang kanilang saloobin sa pamamagitan ng pagtula.
- Ang Duplo naman ay isang paligsahan sa pagtula. Ang paksa ng pagtatalo ay tungkol sa nawawalang loro ng hari o kaya naman ay magsusumbong ang bilyako sapagkat hinmak ng isang bilyaka.
- Ang Karagatan ay isang matandang panitikan. Ito ay tulang padula sapagkat ang mga ito ay nasusulat at ginagampanan it ng tauhan. Batay sa alamat ng singsing ng isang dalaga na nahulog sa gitna ng dagat.
- Ang Batutian ay uri ng tulang pantigan na hango sa balagtasan.
Pagkakapareho ng balagtasan sa duplo, karagatan at batutian.
- Ang lahat ng ito ay pagtatalong patula. Ginagamitan lahat ng matalaas at mabilis na pagiisip upang mangatwiran.
- Pare-parehon silang may mga tauhan – nagtatalong panig at tagapamagitan.
Pagkakaiba ng balagtasan sa duplo, karagatan at batutian.
- Ang Duplo, Karagatan at Batutian ay base sa mg kwento at doon lamang iikot ang kanilang pagsasagutan. Samantalang ang Balagtasan ay debate na binibigkas ng patula.
- Sa Karagatan, ang tawag sa mga nagtatalo ay Bilyako at Bilyaka. Punong Halaman naman ang tawag sa Batutian. Mambabalagtas naman ang tawag sa mga taong nagtatalo atLakandiwa at Lakambini naman ang tawag sa tagapamagitan sa Balagtasan.
Mga link na makatutulong:
pagkakaiba ng duplo at karagatan: brainly.ph/question/175584
ano ano ang elemento ng balagtasan: brainly.ph/question/213041
bakit mahalaga ang tauhan at elemento ng balagtasan : brainly.ph/question/51166
Ang iyong presensya ay mahalaga sa amin. Patuloy na magbahagi ng iyong karanasan at kaalaman. Ang iyong ambag ay napakahalaga sa aming komunidad. May mga katanungan ka? Ang IDNStudy.com ang may sagot. Bisitahin kami palagi para sa pinakabagong impormasyon.