Sa aking pananaw nagkaiba ang dalawang salita patungkol sa naganap or nagaganap na pangyayari; kung ang ganap ay resulta base sa mga pangyayari sa pagitan ng indibidwal o pangkat - gamitin ang salitang patas. Pag may kinalaman sa bilang na masusukat pagkatapos ng isang kaganapan, ang salitang pantay dapat ang gamitin. Halimbawa,: 1. Masaya ang lahat matapos ang patas na hatol sa paglabag ng kasunduan. 2. Magiging pantay ang hatian kung batid na ang kabuuan ng ani.