Makakuha ng kaugnay na sagot sa lahat ng iyong katanungan sa IDNStudy.com. Makakuha ng hakbang-hakbang na mga gabay para sa lahat ng iyong teknikal na tanong mula sa mga miyembro ng aming komunidad.
Ang kabihasnan sa Indus Valley ay umusbong sa lambak ng Indus River at Ganges River na matatagpuan sa Timog Asya. Mayroon silang tinatawag na kambal na lungsod – ang Harappa at Mohenjo-Daro.
Ang mga bahay dito ay parisukat ang hugis na dikit-dikit ngunit may malalawak na espasyo. Ang bawat bahay doon ay may kanya-kanyang palikuran kung kaya’t sila ang kauna-unahang gumamit ng Sewerage System.
Pottery o paggawa ng palayok at sculpting o pag-ukit sa bato ang pinagkakabalahan ng mga taong naninirahan dito.
Sila ay nagsasaka at nag-aalaga rin ng mga hayop tulad ng tupa at kambing na siyang pinagkukunan ng mga makakain nila.