IDNStudy.com, ang iyong platform ng sanggunian para sa pangkomunidad na mga sagot. Makakuha ng hakbang-hakbang na mga gabay para sa lahat ng iyong teknikal na tanong mula sa mga miyembro ng aming komunidad na may kaalaman.
Sagot :
Answer:
Kahulugan ng Panuto
Ang panuto ay nangangahulugang mga tagubilin, gabay o direksyon sa pagsasagawa ng mga gawain. Ito ay kailangang sundin upang maging tama, tiyak at maayos ang mga gagawin at nakatutulong din ito sa mas mabilis na paggawa.
Mga Halimbawa ng Panuto
- Piliin ang letra ng tamang sagot.
- Bilangin at ibigay ang mga katumbas na bilang ng mga nasa larawan.
- Isulat ang wastong sagot sa hiwalay na papel.
- Bilangin ang mga nakalarawang bagay at piliin ang letra na may katumbas na bilang nito.
- Basahin at unawain ang sitwasyon at sagutin ang mga tanong.
- Bilugan ang letra ng tamang sagot.
- Salungguhitan ang panggalan na sa pangungusap.
- Isulat ang letrang T kung Tama ang pahayag at M naman kung Mali.
- Kulayan ng asul ang puso kung ang salitang may salungguhit ay pandiwa at ito pula naman kung hindi.
- Basahin at unawain ang tula at sagutin ang mga susunod na katanungan sa papel.
Ang pagsunod sa panuto ay napakahalagang maunawaan bago gawin ang isang gawain. Upang lubusang makasunod sa mga panuto, kailangang unawaing mabuti ang kahulugan ng bawat salitang ginamit dito. Ang maayos na pagsunod dito ay isang pagpapatunay lamang na ang bumabasa, nakikinig at sumusunod ay mga taong madaling makaintindi at makaunawa. Ang hindi pagsunod dito ay pagpapatunay lamang ng kamangmangan o pagwawalang-bahala. Maraming pagkakamali, pagkalito o pagkagambala ang bunga ng hindi pagsunod sa mga panuto.
Mga Dapat Tandaan sa Pagsunod sa mga Panuto
- Mahalagang unawaing mabuti ang isinasaad na panuto. Kung nakasulat, basahing mabuti o unawain. Kung pasalita, pakinggan mabuti ang nagbibigay ng panuto.
- Kung mahaba ang panuto, itala ang mahahalagang detalye at impormasyon.
- Kung hindi nalinawan, magalang na ipaulit ang panutong hindi naunawaan.
Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa panuto, magtungo sa mga link na: brainly.ph/question/2120370, brainly.ph/question/2170530, brainly.ph/question/53796
#LetsStudy
Maraming salamat sa iyong kontribusyon. Patuloy na magbahagi ng impormasyon at karanasan. Sama-sama tayong magtatagumpay sa ating layunin. IDNStudy.com ang iyong mapagkakatiwalaang kasama para sa lahat ng iyong mga katanungan. Bisitahin kami palagi.