IDNStudy.com, ang iyong destinasyon para sa mga maaasahang sagot. Sumali sa aming interactive na platform ng tanong at sagot para sa mabilis at eksaktong tugon mula sa mga propesyonal sa iba't ibang larangan.
Sagot :
Paguyam o irony/sarcasm
Ang paguyam o irony/sarcasm ay isang uri ng tayutay na naglalayon na mangutya ng tao o bagay. Ang paraan ng pagsulat nito ay kakikitaan ng kapuripuring salita na tumutukoy sa kabalintunaan ng pahayag. Ginagamit ang tayutay na ito upang mapagaan ang pahayag sa taong sinasabihan.
Mga Halimbawa ng Paguyam o Irony/Sarcasm
- Maputi ang suot mong damit kasing puti ng basahan.
- Napasobra ang sipag ng serbidorang si Thelma sapagkat pagwawalis lamang ng harapan ng tindahan ang kayang gawin.
- Ang ganda ng buhok ni Lea mukhang hindi nasuklay.
- Pinakamatalino si Biday sa tatlong magkakapatid sapagkat siya lang ang umabot ng pitong taon sa kolehiyo.
- Sa linis ng bahay ni Maria ay halos mapuno na ito ng alikabok.
- Maganda si Alisa kung hindi pango ang ilong.
- Sa bilis kumilos ni Hilda ay inabot ito ng tatlong oras sa kanyang paliligo at pagbibihis.
- Masayang kasama si Marta sapagkat oo at hindi lamang ang alam nitong sabihin.
- Napakabuting ina ni Lorena dahil sanggol pa lamang ang anak nito ay iniwan na.
- Ang ganda ng iyong damit para kang ibuburol.
- Sa lawak ng bahay ni Lily ay wala na itong mapaglagyan ng gamit.
- Masarap ang lutong adobong manok ni Benie sapagkat parang nilaga ito sa toyo.
- Magaling magturo ang gurong si Annie dahil isa hanggang sampu lamang ang alam ng mga mag-aaral nito.
- Ang ganda ng langit nagbabadya ng malakas na ulan.
- Ang tataba ng mga halaman ni Inday kaunting hangin lamang ay tutumba na.
- Ang ganda ng katawan ng dalagang si Jenny parang lata ng sardinas.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa tayutay na panguyam maaring magtungo sa link na nasa ibaba:
https://brainly.ph/question/552151
https://brainly.ph/question/1876194
https://brainly.ph/question/471681
#LearnWithBrainly
Natutuwa kami na ikaw ay bahagi ng aming komunidad. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbibigay ng mga sagot. Sama-sama tayong lumikha ng isang mas matibay na samahan. Salamat sa pagbisita sa IDNStudy.com. Nandito kami upang magbigay ng malinaw at tumpak na mga sagot.