Makakuha ng mabilis at maaasahang mga sagot sa IDNStudy.com. Sumali sa aming platform ng tanong at sagot upang makakuha ng eksaktong tugon sa lahat ng iyong mahahalagang tanong.

saang direksyon ng greece makakita ang isla ng crete

Sagot :

Answer:

Saang direksyon ng Greece makakita ang isla ng Crete?

Ang pulo ng Crete ay matatagpuan sa timog silangan ng bansang Greece sa Mediterranean Sea.

Explanation:

Ang Crete ay grupo ng mga isla na pag-aari ng Greece sa timog Europa. Ito ay napapaligiran ng tatlong kontinente at ilang bansa nasa baybayin ng mga ito.

Mga bansang katawirang dagat ng Crete sa Europa:

  • Italy sa hilagang kanluran
  • Bulgaria sa hilaga
  • Minland Greece sa hilagang kanluran
  • Cyprus sa silangan

Mga bansang katawirang dagat na nasa kontinente ng Asia:

  • Turkey
  • Syria
  • Israel
  • Lebanon

Mga bansa sa hilagang Africa na malapit sa isla ng Crete:

  • Egypt
  • Libya
  • Tunisia

Ang Crete ay ang pinakamalaking isla ng Greece, at ito rin ay napapaligiran ng maraming maliliit na pulo. Ito ay may sukat na humigit kumulang na 8,400 kilometro. Kilala ito sa pagkakaron ng mga bundok at mga burol. Marami sa tanawin ng Crete ay nahahawig sa mga larawan ng Arizona sa Estados Unidos na makikitaan din ng mga “gorges” kung saan ito ay ginagawang pasyalan ng mga may hilig sa “hiking”.

Turismo ang isa sa pangunahing industriya ng isla dahil sa mga naiwang ng mga nakaraang sibilisasyon dito. Dahil sa iba’t ibang bansa na nakapaligid at matagal ng pakikipagkalakalan dito, makikita sa mga estraktura ng isla ang impluwensya ng mga ito.

Ilan sa mga Archeological sites sa Crete:

  1. Ang ruins ng Gortyn
  2. Ang Palace of Knossos
  3. Ang Phaistos site
  4. Ang mga tapayan o jars sa Malia

I-click ang mga links para sa karagdagang impormasyon:

Ano ang digmaan na kinasangkotan ng Greece?   https://brainly.ph/question/232058

Ano ang mga bansa sa Mediterranean?   https://brainly.ph/question/122693

Icarus and Daedalus, what are their characteristics?   https://brainly.ph/question/353689