IDNStudy.com, kung saan nagtatagpo ang mga eksperto para sagutin ang iyong mga tanong. Tuklasin ang malawak na hanay ng mga paksa at makahanap ng maaasahang sagot mula sa mga bihasang miyembro ng aming komunidad.

ilan po ba ang taludtod ng tanaga
pwede bang manghingi ng halimbawa nito?


Sagot :

Ito ay may 4 na taludtod
 Ang mga Halimbawa nito ay

Ang katoto kapag tunay
hindi ngiti ang pang-alay
kundi isang katapatan
ng mataus na pagdamay.

(KAIBIGAN)
ni Emelita Perez Baes




Palay siyang matino,
Nang humangi’y yumuko;
Nguni’t muling tumayo
Nagkabunga ng ginto

(PALAY)
ni Ildefonso Santos




Wala iyan sa pabalat
at sa puso nakatatak,
nadarama’t nalalasap
ang pag-ibig na matapat.

(PAG-IBIG)
ni Emelita Perez BaesKabibi, ano ka ba?
May perlas, maganda ka;
Kung idiit sa taynga,
Nagbubunitunghininga!

(KABIBI)
ni Ildefonso Santos

 


Alipatong lumapag
Sa lupa — nagkabitak,
Sa kahoy nalugayak,
Sa puso — naglagablab!

(TAG-INIT)
ni Ildefonso Santos
Ito ay binubuo ng apat na taludtod at sa bawat taludtod ay may sukat na pipituhin.
ex. 
Kabibi, ano ka ba?
May perlas, maganda ka;
Kung idiit sa taynga,
Nagbubunitunghininga!