IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay natutugunan ng mabilis na sagot. Hanapin ang mga solusyong kailangan mo nang mabilis at tiyak sa tulong ng aming mga bihasang miyembro.
Sagot :
Ang Etnolinggwistiko
Ang etnolinggwistiko ay ang pag-aaral sa wika ng isang lipunan. Ang pagpapangkat na ito ay ang pagsasaayos o pagpapangkat-pangkat ng mga uri ng tao sa pamamagitan ng pagkakapareho. Hindi lamang dalawa ang batayan ng pagpapangkat-pangkat na ito. Ito ay batay sa:
- wika
- kultura
Basahin ng higit ang pag-aaral ng wika sa https://brainly.ph/question/696271.
Pagbatay sa Wika
Ang isang lipunan ay mayroong wika na higit sa dalawa. Ang paggamit ng mga salita ay kailangang malaman ang pinagmulang wika o diyalekto upang makita ang susunod batayan- ang kultura.
Mga halimbawa ng diyalekto sa Pilipinas ay mababasa sa https://brainly.ph/question/323768.
Pagbatay sa Kultura
Ang kultura ay malawak at hawa nito ang buong detalye sa relihyon, sining, musika o hanapbuhay pa nga ng isang lipunan. Ang isang salita ay magkakaroon na ng iba't-ibang kahulugan depende sa pamumuhay ng tao at pagkakagamit nito sa araw-araw.
Ang Halaga ng Etnolinggwistiko
Malaki ang halaga ng etnolinggwistiko. Ang pagkilala sa isang lipunan ay pagkilala sa lakas at kahinaan nito na makakatulong sa pagsulong ng lipunan sa mahahalagang sistema nito gaya ng sa ekonomiya at pamahalaan.
Halimbawa ng Etnolinggwistiko ay mababasa sa https://brainly.ph/question/63700.
Natutuwa kami na ikaw ay bahagi ng aming komunidad. Patuloy na magtanong at magbahagi ng iyong mga ideya. Sama-sama tayong lumikha ng isang mas matibay na samahan. Salamat sa pagpili sa IDNStudy.com. Umaasa kami na makita ka ulit para sa mas maraming solusyon.