Ang bawat bansa ay may ibat-ibang uri ng likas na yaman. Isa na
rito ang yamang mineral. Ang yamang mineral ay ang mga likas na yaman mula sa
kalikasan. Natural ito at di gawa ng tao. Makukuha ito sa pamamagitan ng
pagmimina. Isa sa mga pangunahing industriya na nagpapataas ng reserbang dolyar
ng bansa ay ang ating mga mineral na yaman.
Ang yamang mineral ay nahahati sa tatlong kategorya ito ang:
1. Metal - Ang mga metal na mineral ay chromite,
tanso, ginto, bakal, lead, manganese, tingga at zinc.
2. Di Metal - Binubuo naman ng asbestos, barite,
hilaw na materyal para sa semento, luwad, mercury, carbon feldspar, guano,
gypsum, apog, marmol, sulpur, at buhanging silica.
3. Mineral na panggatong
binubuo ng petrolyo, natural gas.