IDNStudy.com, ang iyong gabay para sa maaasahan at eksaktong mga sagot. Ang aming platform ay idinisenyo upang magbigay ng mabilis at eksaktong sagot sa lahat ng iyong mga tanong.
Sagot :
Sa isang bansa, lalo na kung ito’y pulo-pulo, katulad ng bansang Pilipinas na kung saan-saan nanggaling na karatig-bansa ay hindi pare-pareho ang kultura o ng wikang ginagamit, lubhang napakahirap magkaunawaan ang bawat isa. Kaya naman nagkaroon ng pagpupulong ang mga namumuno ng ating bansa na magkaroon ng isang batas na nagpasaad na isang wika ang dapat gamitin upang madaling magkaunawaan ang bawat isa upang madaling umunlad ang ating bansa. Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng batas o tuntunin na isang wika lamang ang dapat gamitin ay mas napapadali ang pakikipag-usap o pagkakaintindihan ng isa’t-isa. Halimbawa sa mga paaralan, upang madaling maunawa ang mga aralin sa mga paaralan, maging pampubliko man o pribadong paaralan, ay gumagamit ng isang wika. Sa mga nagdaang pangulo ng Pilipinas, unang nakapuna na mahirap magkaunawaan kaya naisipan nilang ipatupad ang nasabing batas na nag-uutos na isa lang ang gagamiting wika. Ito ay upang lubos na magkaunawaan ang mga kinatawan ng bawat rehiyon kung magkaroon ng pagpupulong o sesyon ng bawat mambabatas. Ang unang pangulong nagsaad ng batas na ito ay ang dating pangulong Manuel L. Quezon, na siyang itinuring na “Ama ng wikang pambansa”. Buhat noon at sa kasalukuyan ay ang wikang Pilipino ang siyang ginagamit sa lahat ng antas ng paaralan, magmula kinder at elementarya, hanggang sa kolehiyo o hanggang sa makatapos ng isang kurso ng isang mag-aaral, maging sa politika,.
Natutuwa kami na ikaw ay bahagi ng aming komunidad. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbibigay ng mga sagot. Sama-sama tayong lumikha ng isang masiglang komunidad ng pagkatuto. May mga katanungan ka? Ang IDNStudy.com ang may sagot. Bisitahin kami palagi para sa pinakabagong impormasyon.