IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay natutugunan ng mga eksperto. Ang aming mga eksperto ay handang magbigay ng malalim na sagot at praktikal na solusyon sa lahat ng iyong mga tanong.

ano ang pagkakakilanlan o tatak ng bansang japan korea china

Sagot :

Ang bansang hapon ay binansagang "Land of the Rising Sun". Ito rin ang pinagmulan ng samurai at mga anime na siyang dahilan at yumabong ang pagtangkilik sa mga anime sa iba't ibang panig ng mundo. Makulay ang mga tradisyon at ritwal na isinasagawa sa bansang ito. Hindi rin lingid sa kaalaman natin na nangunguna ang Japan sa mga bansang may mataas na antas ng teknolohiya.

Noong unang panahon ang Korea ay tinawag na "The Hermit Kingdom". Paulit-ulit kasing nasakop ng mga dayuhan ang Korea noon kaya't pagkatapos makalaya sa mga mananakop ay mas pinili nitong huwag na munang makisalamuha sa ibang bansa at pagtuonang pansin ang pagpapaunlad ng bansa.

Ang China ay nagpasimula ng konsepto ng dinastiya. Ang dinastiya ay ang linya ng mga taong makakapamilya na namumuno sa China sa loob ng libu-libong taon. Sa China rin nagmula ang konsepto ng calligraphy, oracle bone reading, ancestral worshipping at ang paggamit ng bronse, jade, kaolin at ivory.