IDNStudy.com, kung saan nagtatagpo ang mga tanong at sagot. Magtanong at makatanggap ng eksaktong sagot mula sa aming mga bihasang miyembro ng komunidad.
Sagot :
Krus na sagisag ng pagpapakahirap
Ni Hesus na tubos ng sala ng lahat,
Sa krus namatay ng napakasaklap,
Bakit siya namang hinahaplos-palad?
Krus na sagisag ng dusa’t siphayo,
Ikakalat sa noo ng mga deboto,
Magpaparoon at magpaparito,
Palaspas, sinunog, nagka-abu-abo!
Nakatutuwa sa isang nag-iisip,
Na ang krus na tanda ng luha’t hinagpis,
Ay siya ding itatatak na parang mga lapis,
Sa noo na ang wika ako ay matuwid!
Ang abo sa noo ng may mga sala,
Daan para bukas ay bigla ding itatwa,
Balik sa kasalanang lubos na kay sama,
Wala ngang nagbago sa masamang gawa!
Araw-araw man nating lagyan ng abo,
Kahit abo iyan ng sunog na tao,
Kung ating uulitin ang ating pagkalilo,
Walang mangyayari, tuloy sa impiyerno.
Tataba lang ang bulsa sa abuloy at handa,
Pagdating ng hudyat ng mga kampana,
Ang tuloy ng tuwa sa pinto ba ng aba,
O sa Haring nakaupo sa trono ng Roma?
Sa pag-aabuloy ng perang kinita,
Bakit hindi na lang itulong sa madla,
Maraming Kristiyano ang nagsisipagdusa,
Nakaupong hari, walang ginagawa!
Pinagdadasal ka sa diyos na bato,
Pati nga sa kahoy, wala namang kibo,
Ang dasal mo dapat sa Diyos na totoo,
Bakit nakaluhod sa tansong rebulto?
Limangdaang taon ang nakalilipas,
Buhat nang makilala itong mga ungas,
Kahit niloloko nitong talipandas,
Yuko pa rin tayo, bukas pati palad.
Sa paghuhukom, isusulit ang lahat,
Lahat ng ginawa, lahat: may katapat,
Mabuting nilalang, langit: malalasap,
Ang lilo at sama, sa apoy ang bagsak!
At sa dagat ng apoy itong katapusan,
Lahat nitong mga walang buting lalang,
Dito lalangoy ang lahat ng lilisan,
Sa init mapupugnaw, mga kasamaan!
Ni Hesus na tubos ng sala ng lahat,
Sa krus namatay ng napakasaklap,
Bakit siya namang hinahaplos-palad?
Krus na sagisag ng dusa’t siphayo,
Ikakalat sa noo ng mga deboto,
Magpaparoon at magpaparito,
Palaspas, sinunog, nagka-abu-abo!
Nakatutuwa sa isang nag-iisip,
Na ang krus na tanda ng luha’t hinagpis,
Ay siya ding itatatak na parang mga lapis,
Sa noo na ang wika ako ay matuwid!
Ang abo sa noo ng may mga sala,
Daan para bukas ay bigla ding itatwa,
Balik sa kasalanang lubos na kay sama,
Wala ngang nagbago sa masamang gawa!
Araw-araw man nating lagyan ng abo,
Kahit abo iyan ng sunog na tao,
Kung ating uulitin ang ating pagkalilo,
Walang mangyayari, tuloy sa impiyerno.
Tataba lang ang bulsa sa abuloy at handa,
Pagdating ng hudyat ng mga kampana,
Ang tuloy ng tuwa sa pinto ba ng aba,
O sa Haring nakaupo sa trono ng Roma?
Sa pag-aabuloy ng perang kinita,
Bakit hindi na lang itulong sa madla,
Maraming Kristiyano ang nagsisipagdusa,
Nakaupong hari, walang ginagawa!
Pinagdadasal ka sa diyos na bato,
Pati nga sa kahoy, wala namang kibo,
Ang dasal mo dapat sa Diyos na totoo,
Bakit nakaluhod sa tansong rebulto?
Limangdaang taon ang nakalilipas,
Buhat nang makilala itong mga ungas,
Kahit niloloko nitong talipandas,
Yuko pa rin tayo, bukas pati palad.
Sa paghuhukom, isusulit ang lahat,
Lahat ng ginawa, lahat: may katapat,
Mabuting nilalang, langit: malalasap,
Ang lilo at sama, sa apoy ang bagsak!
At sa dagat ng apoy itong katapusan,
Lahat nitong mga walang buting lalang,
Dito lalangoy ang lahat ng lilisan,
Sa init mapupugnaw, mga kasamaan!
Salamat sa iyong pakikilahok. Patuloy na magbahagi ng iyong mga ideya at kasagutan. Ang iyong kaalaman ay mahalaga sa ating komunidad. Sa IDNStudy.com, kami ay nangako na magbigay ng pinakamahusay na mga sagot. Salamat at sa muling pagkikita.