Ang Paleolitiko ay isang panahon na
kung saan ay kahoy ang karaniwang ginagamit sa paggawa ng karamihan sa mga
kasangkapan. Ang pangunahing pinagkukunan ng kanilang pagkain ay ang pangangaso
at pangongolekta ng mga halaman na makikita sa gubat.
Sa panahon naman ng Neolitiko o
Panahon ng Bagong Bato ay nagsimula ang pag-unlad ng lipunan. Sa panahong ito
umunlad ang mga kasangkapang ginagamit ng mga tao noon. Ang ilan sa mga kasangkapang
ginamit nang panahong ito ay natagpuan sa Palawan. Natutunan ng mga tao ang
pagsasaka at agrikultura sa panahon ding ito.