Makakuha ng mga maaasahang sagot sa iyong mga tanong sa IDNStudy.com. Ang aming mga eksperto ay nagbibigay ng mabilis at eksaktong sagot upang tulungan kang maunawaan at malutas ang anumang problema.

tungkol sa go glow grow foods

Sagot :

Na-alala ninyo pa ba ang taon na kinder at nursery pa lamang tayo. Intinuro sa atin ng guro sa agham ang “go, grow, at glow" food. Ang karne ay grow, tinapay at kanin ay go, at gulay at prutas ay glow foods. Kapag sinama ang lahat ng mga ito, sila’y bumubuo ng isang masarap at masustansiyang putahe na pwedeng kainin sa agahan, tanghali, o hapunan. Ang pangkat ng mga “go-foods” ay ang pagakain na nagbibigay sa atin ng enerhiya at lakas para sa araw-araw na gawain dahil mabilis tunawin ng tiyan ang mga “go-foods”. Ang “grow-food” ay ang mga pagkain na may protina gaya ng itlog at karne. Ang chicken inasal ay ang isang magandang halimbawa nito. Ang mga “glow foods” ay ang mga gulay at prutas. Mabuti na lang mayaman ang Pilipinas sa mga ganitong klaseng pagkain. Ipakita natin sa buong mundo ang kagalingang ng mga Pilipino sa larangan ng masasarap at masusustansyang pagkain.