IDNStudy.com, ang perpektong platform para sa malinaw at eksaktong mga sagot. Ang aming komunidad ay handang magbigay ng malalim at maaasahang mga sagot, anuman ang kahirapan ng iyong mga katanungan.

ano ang ginagawa ng isang civil engineer

Sagot :

Answer:

Ano ang ginagawa ng isang civil engineer

Ang isang civil engineer ay isa sa mga propesyong tinatahak ng karamihan sa mga mag-aaral dahil sa ganda ng trabahong ito at malaki rin ang maaaring kitain sa mga proyektong ginagawa nito. Katulong ang mga arkitekto, ang gawain ng isang civil engineer ay ang lumikha, magplano, at mamahala sa pagbuo ng isang istruktura at pangangalaga nito. Ang ilan sa mga ginagawa ng isang civil engineer ay ang mga sumusunod:

  • Inprastruktura tulad ng tulay, kalsada, paliparan, daungan, planta, at iba pa.
  • Istruktura tulad ng mga gusaling pasyalan, mall, hotel at iba pa.

Ano ang mga uri ng civil engineer

  • Consultative - sila ang mga civil engineer na kinukuha ang serbisyo para gumawa at bumuo ng plano para sa proyektong nais ipatayo. Ang atensyon lang nila ay ang bumuo ng plano at ibigay ang planong ito sa mga contractor.
  • Contractor - sila ang mga civil engineer na namamahala sa pagpapatayo at pagbuo ng istruktura gamit ang mga planong inihanda ng mga consultative engineers. Sila ang namamahala sa mga materyales at tauhan sa pagbuo ng proyektong ito.

Saan ka maaaring magtrabaho bilang isang civil engineer?

  • Pribadong kumpanya - ito ay ang mga kilala na at matatagal ng kumpanya na namamahala sa pagpapatayo ng malalaki at magagandang istruktura at imprastraktura. HIndi sila pinamamahalaan ng gobyerno pero ang ilan sa kanilang mga proyekto ay galing sa mga mambabatas na kinuha ang kanilang serbisyo.
  • Pampubliko - ito ay ang pagpasok sa Department of Public Works and Highways o DPWH bilang isa sa mga namamahala sa proyekto ng gobyerna na tungkol sa mga kalsada, tulay at iba pang infrastraktura. Kumukuha sila ng mga pribadong contractor at kung sino ang may pinakamababang turing sa proyekto, sila ang makakakuha nito. Ang kanilang trabaho ay suriin at tiyaking de kalidad ang mga proyektong natapos.
  • Sariling kumpanya - ang ilan ang bumubuo ng sariling kumpanya at kumukuha ng proyekto o kontrata sa iba. Magandang simulain ito sa mga baguhang inhinyero at unti-unting nakikilala ang pangalan dahil sa magandang disenyo at pagkakagawa.

Para sa mga karagdagang impormasyon sa paksang ito, maaaring buksan ang mga link sa ibaba:

  • Ano ang trabaho ng isang civil engineer tagalog https://brainly.ph/question/2108895
  • Ano ang ginagawa ng isang civil engineer? https://brainly.ph/question/1862595

#LearnWithBrainly