IDNStudy.com, ang iyong mapagkukunan ng eksaktong at maaasahang mga sagot. Ang aming komunidad ay handang magbigay ng malalim at praktikal na mga solusyon sa lahat ng iyong mga katanungan.

Ano ang nasiyonalismo?


Sagot :

Ang nasyonalismo ay galing sa salitang Latin na "natio" na ang ibig sabihin ay ang "pagpapangkat ng mga taong may iisang lahi na mas mataas kaysa pamilya ngunit mas maliit kaysa sambayanan". Dito rin nag-ugat ang salitang nasyon na nangangahulugang "pangkat ng mga indibidwal na nagkaroon ng magkakatulad na katangian dahil sa palagian nilang interaksyon sa isa't isa".  Ang salitang nasyonalismo ay mula sa salitang "nasyon." isang katawagan sa samahan o pangkat ng mga taong may iisang mithiin at layunin sa buhay at pinagbubuklod ng iisang lahi, wika, relihiyon, kaugalian at tradisyon. Tumutukoy ang nasyonalismo sa isang damdaming makabansa ng mga taong nagpapakita ng katapatan sa kanilang bayan, hindi sa pangulo o sa ilang pinuno lamang. Sa paglinang ng nasyonalismo, hindi lamang mahalaga ang lupang tirahan, pamahalaan, o namumuno higit na binibigyang-diin dito ang pagkakaisa ng mga taong naniniwala na kabilang sila sa iisang bansa at handang ipagtanggol at pangangalagaan ito. Ang NASYONALISMO ay damdamin ng katapatan at pagmamahal sa sariling bayan at pagmamalaki sa kultura at kasaysayan nito