IDNStudy.com, ang iyong destinasyon para sa malinaw na mga sagot. Anuman ang kahirapan ng iyong mga tanong, ang aming komunidad ay may mga sagot na kailangan mo.

halimbawa ng mga salitang magkasingtunog

Sagot :

Halimbawa ng Mga Salitang Magkasingtunog

Ang salitang magkasingtunog ay salitang pareho ang huling tunog. Narito ang mga halimbawa:

  • dalaga - halaga
  • harana - bintana
  • damit - sakit
  • lambing - kambing
  • bangko - singko
  • bahay - buhay
  • matanda - parada
  • gitara - kutsara
  • talong - bulong
  • bangin - hangin
  • sahig - tubig
  • sayawan - katawan
  • kagandahan - kabutihan
  • ngipin - alipin

Mga Halimbawang Pangungusap

Gamitin natin ang ilan sa mga salitang magkasingtunog sa itaas upang makagawa ng pangungusap. Narito ang mga halimbawa:

  • Palitan mo ang iyong basang damit upang hindi ka magkaroon ng sakit.

  • Dumungaw ka sa bintana at pakinggan ang aking handog na harana.

  • Kahit matanda na at hirap ang katawan, may ibubuga parin si nanay sa sayawan.

Karagdagang halimbawa ng mga salitang magkasingtunog:

https://brainly.ph/question/1483534

#LearnWithBrainly