IDNStudy.com, ang iyong mapagkukunan para sa mabilis at maaasahang mga sagot. Ang aming komunidad ay nagbibigay ng eksaktong sagot upang matulungan kang maunawaan at malutas ang anumang problema.

 Halimbawa Ng matalinghagang salita

Sagot :

Ang mga matalinghagang salita ay mga pahayag na may malalim na kahulugan. Ang ilan sa mga halimbawa ng mga matalinghagang salita ay ang mga sumusunod: kisap mata, hitik na hitik, balat sibuyas, butas ang bulsa, ibaon sa hukay, tubong lugaw, pusong mamon, tengang kawali, alimuom, at iba pa. Ang mga matalinghagang salita ay nagbibigay ng dagdag na kulay sa isang akda. Ang mga ito rin ay bahagi ng malawak at malalim na wika natin: ang Wikang Filipino.

Ibig Sabihin ng mga Matalinghagang Salita

  • Ang mga matalinghagang salita ay mga pahayag na may malalim na ibig sabihin.
  • Ang mga matalinghagang salita ay naipahahayag sa pamamagitan ng mga mabubulaklak na salita.
  • Dahil dito, karaniwang nakakalito at hindi malinaw ang mga salitang ito.
  • Hindi rin literal ang mga kahulugan ng mga matalinghagang salita dahil kahit na mga pangkaraniwang salita lamang ang ginamit o pinagsama, iba pa rin ang kahulugan ng mga ito.

Mga Halimbawa ng mga Matalinghagang Salita

Narito ang ilan pang mga halimbawa ng mga matalinghagang salita at mga kahulugan ng mga ito:

  1. kisap mata - mabilis
  2. hitik na hitik - marami; puno
  3. balat sibuyas - sensitibo; maramdamin
  4. butas ang bulsa - walang pera
  5. ibaon sa hukay - kalimutan na
  6. tubong lugaw - pagkakaroon ng malaking kita gamit lamang ang konting puhunan
  7. pusong mamon - maawain; mahabagin
  8. isip ipis - mahina mag-isip
  9. tengang kawali - nagbibingi-bingihan lamang
  10. alimuom - tsismis lamang

Kailan Ginagamit ang mga Matalinghagang Salita

  • Ang mga matalinghagang salita ay madalas gamitin sa mga nobela, tula, sawikain, salawikain, alamat, at iba pang mga malikhaing likha.
  • Madalas din itong gamitin ng mga manunulat sa kanilang mga malikhaing akda.
  • Ang mga matalinghagang salita ay nagbibigay ng malalim na kahulugan at saysay sa iba't ibang uri ng akda.

Iyan ang mga halimbawa ng mga matalinghagang salita. Kung nais mo pang makabasa ng mas marami pang mga matatalinghagang salita, maaari mong i-click ang mga links na ito: Iba pang halimbawa ng mga matalinghagang salita: https://brainly.ph/question/106783, https://brainly.ph/question/107278 at https://brainly.ph/question/951162