IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay natutugunan ng mabilis na sagot. Makakuha ng hakbang-hakbang na mga gabay para sa lahat ng iyong teknikal na tanong mula sa mga miyembro ng aming komunidad na may kaalaman.
Sagot :
Answer:
Sanaysay
Ang sanaysay ay isang piraso ng sulatin na kadalasang naglalaman ng pananaw ng may katha o may akda, pagpuna, opinyon, impormasyon, obserbasyon, kuru-kuro, at pang-araw-araw na pangyayari.
Sa pagsulat ng sanaysay, naipapahayag ng may akda ang kanyang mga nararamdaman sa mga mambabasa. Isa rin itong uri ng pakikipag-komunikasyon o pakikipag-ugnayan na ang layunin ay maipabatid ang saloobin sa isang makabuluhan at napapanahong paksa o isyu.
Katangian ng isang sanaysay na pormal na naiiba sa sanaysay na di-pormal
Pormal na Sanaysay
- Ito ay umatalakay sa mga seryosong paksa na nagtataglay ng masusing pananaliksik ng sumulat o may akda.
- Ito ay nagbibigay ng impormasyon at kaalaman tungkol sa isang tao, bagay, lugar o pangyayari.
- Ang tono ng sanaysay na ito ay seryoso at walang halong biro.
Halimbawa:
- Editoryal sa mga pahayagan na patungkol sa opinyon ng sumulat sa mga maiinit na balita.
Di-pormal na Sanaysay
- Ang di-pormal na sanaysay naman ay uri ng sanaysay na tumatalakay sa mga paksang magaan, karaniwan, personal at pang araw-araw na nagbibigay-aliw o saya sa mga mambabasa.
- Ito ay karaniwang nagtataglay ng opinyon, kuru- kuro at paglalarawan ng sumulat o isang may akda.
- Ito ay personal na naglalaman ng saloobin at kaisipan tungkol sa iba’t ibang bagay at mga pangyayari na nakikita at nararanasan ng sumulat.
- Ang paksa ng sanaysay na ito ay tungkol sa damdamin at paniniwala ng may akda.
Para sa karagdagan pang kaalaman magtungo sa link na nasa ibaba:
Kahulugan ng Sanaysay: brainly.ph/question/454272
#BetterWithBrainly
Salamat sa iyong kontribusyon. Patuloy na magbahagi ng iyong karanasan at kaalaman. Ang iyong ambag ay napakahalaga sa aming komunidad. Sa IDNStudy.com, kami ay nangako na magbigay ng pinakamahusay na mga sagot. Salamat at sa muling pagkikita.