Pangarap kong magbakasyon
Kapiling ang hanging Habagat
At kami’y maglilimayon
Sa mga ilog at dagat.
Ipagmamalaki ko sa kanya
Na hindi galing sa atin ang basura,
Na naglutang sa dalampasigan.
Ng Kamaynilaan.
Sa lungsod ko siya igagala
Doon sa nilalakaran ng rodilyo
At sa gilid ay nagtayo
Ang mga pabrika ng bata.
Ipagmamalaki ko sa kanya,
Na ang mga nakatira
Ay hindi nagtatapon ng basura
Sa mga kanal at kalsada.
Ililigid ko siya nang masigla
Sa mga bundok at gubat,
Na ginawang pugad
Ng mga tumakas sa siyudad.
Ipagmamalaki ko sa kanya
Na ang mga punong matatayog,
Na pinutol at nililok
Ay naging santong bantayog!
Upang siya’y malibang
Makapag-unwind, ma-relax,
At hindi na makapaminsala
Sa bayan kong Pilipinas!
Ito ang aking pangarap.