Ang ibig sabihin ng yamang tubig (water resources sa Ingles) ay mga likas na yaman na ating pinagkukunan sa mga anyong tubig tulad ng isda, perlas, alimango, at marami pang iba. Mahalaga ito sa atin sapagkat dito tayong madalas nabubuhay lalung-lalo na ang mga pangingisda kung saan ang yamang tubig ay ginagawa nilang paghahanap-buhay.
Tayo ay sagana sa yamang tubig sapagkat ang Pilipinas ay pinapaligiran ng tubig ngunit dahil sa pag-aabuso ng tao, tulad ng paggagamit ng dinamita, unti-unting nauubos ang ating mga yamang tubig. Kaya naman, dapat nating alagaan ng mabuti ang ating kalikasan.