IDNStudy.com, ang komunidad ng pagbabahagi ng kaalaman. Ang aming mga eksperto ay handang magbigay ng malalim na sagot at praktikal na solusyon sa lahat ng iyong mga tanong.
Sagot :
Sa
isang bansa, lalo na kung ito’y pulo-pulo, katulad ng bansang Pilipinas na kung
saan-saan nanggaling na karatig-bansa ay hindi pare-pareho ang kultura o ng
wikang ginagamit, lubhang napakahirap magkaunawaan ang bawat isa. Kaya naman
nagkaroon ng pagpupulong ang mga namumuno ng ating bansa na magkaroon ng isang
batas na nagpasaad na isang wika ang dapat gamitin upang madaling magkaunawaan
ang bawat isa upang madaling umunlad ang ating bansa. Sa pamamagitan ng
pagkakaroon ng batas o tuntunin na isang wika lamang ang dapat gamitin ay mas
napapadali ang pakikipag-usap o pagkakaintindihan ng isa’t-isa. Halimbawa sa
mga paaralan, upang madaling maunawa ang mga aralin sa mga paaralan, maging
pampubliko man o pribadong paaralan, ay gumagamit ng isang wika. Sa mga
nagdaang pangulo ng Pilipinas, unang nakapuna na mahirap magkaunawaan kaya
naisipan nilang ipatupad ang nasabing batas na nag-uutos na isa lang ang
gagamiting wika. Ito ay upang lubos na magkaunawaan ang mga kinatawan ng bawat
rehiyon kung magkaroon ng pagpupulong o sesyon ng bawat mambabatas. Ang unang
pangulong nagsaad ng batas na ito ay ang dating pangulong Manuel L. Quezon, na
siyang itinuring na “Ama ng wikang pambansa”. Buhat noon at sa kasalukuyan ay
ang wikang Pilipino ang siyang ginagamit sa lahat ng antas ng paaralan, magmula
kinder at elementarya, hanggang sa kolehiyo o hanggang sa makatapos ng isang
kurso ng isang mag-aaral, maging sa politika...
That's my answer :))) Dagdagan mo na lang kung kulang pa..
--Rayne
That's my answer :))) Dagdagan mo na lang kung kulang pa..
--Rayne
Wika ang pinakamagandang regalo ng Maykapal sa kanyang mga nilalang. Ito ang tanging kasangkapan ng tao sa pakikipag-ugnayan niya sa kapwa, sa asosasyon, sa institusyon at maging sa dakilang Bathala.
Maraming salamat sa iyong presensya. Patuloy na magbahagi ng impormasyon at karanasan. Sama-sama tayong magtutulungan upang makamit ang mas mataas na antas ng karunungan. Ang IDNStudy.com ang iyong mapagkakatiwalaang mapagkukunan ng mga sagot. Salamat at bumalik ka ulit.