Sumali sa IDNStudy.com at makakuha ng mabilis at maaasahang mga sagot. Hanapin ang impormasyon na kailangan mo nang mabilis at madali sa pamamagitan ng aming komprehensibo at eksaktong platform ng tanong at sagot.

ano ang kahalagahan ng als


Sagot :

Answer:

Ano ang kahalagahan ng als?

Ang Alternative Learning System o ALS ay isa sa mga programa ng Kagawaran ng Edukasyon na naglalayong makapagbigay ng oportunidad na ipagpatuloy ang pag-aaral sa mga taong hindi maibilang ang sarili sa pormal na edukasyon dulot ng edad, distansya ng tahanan sa paaralan, o minsan ay trabaho. Kabilang dito ang informal at non-formal na pagkatuto, kaagapay ang mga mobile teachers ng kagawaran at mga non-government organizations na naglalayong magpagbigay serbisyo sa kapwa Pilipino.

Anu-ano ang natututunan sa ALS

Marami at malawak ang mga araling itinuturo sa ALS ayon sa iyong pangangailangan at sa lugar na iyong kinabibilangan. Ito ay ang mga sumusunod:

  • Basic Literacy Program (BLP)- naglalayon itong maturuang bumasa, sumulat, at magbilang ang mga kabataang tumigil na sa pag-aaral at mga matatandang hindi nakapagtapos ng pag-aaral.
  • Continuing Education: Accreditation and Equivalent Program (A&E) - ang programang ito ay laan para sa mga mag-aaral na tumigil sa pag-aaral sa elementarya at sekondarya ngunit nais na maipagpatuloy ang pag-aaral kahit lumipas na ang kanilang edad sa wastong edad para sa pormal na edukasyon. Isa sa mga magagandang benepisyo ng programang ito ay maaari kang mabigyan ng diploma sa elementarya o sekondarya kung ikaw ay makakapasa sa pagsusulit malipas ang mga modyul na dapat pag-aralan. Kung papasa, maaari kang mapabilang sa listahan ng mga magtatapos ng elementarya o sekondarya sa ilalim ng programang A&E.
  • Indigenous Peoples Program (IPP) - ito ay naglalayong makapaghatid ng karunungan at kaalaman sa mga kapwa nating katutubong naninirahan sa mga kabundukan o wala sa kabihasnan. Dito ay tinuturuan silang bumasa, sumulat, at magbilang.
  • Arabic Language and Islamic Values Education in Alternative Learning System o ALIVE in ALS - ito ay nakasentro sa pagkatuto ng mga kapwa nating Muslim na hindi makasali sa pormal na education. Tulad ng karaniwang ALS program, inaangkop ng ALIVE in ALS ang kanilang aralin sa konteksto at katuruan ng mga Muslim.
  • Radio-Based Instructions (RBI) - ito ay ang paghahatid karunungan sa mga kababayan nating hindi na makapunta sa mga ALS Centers ngunit naaabot ng radio frequencies. Matagal na itong ginagamit ng pamahalaan sa paghahatid ng karunungan ngunit sa ilalim ng ALS, mas pinagbuti at pinadali ang mga aralin upang mas madali at mas mabilis maintindihan ng mga nakikinig.  

Ano ang kaibahan ng Alternative Learning System sa Pormal na edukasyon

Marami ang benepisyong maaaring matanggap kung ikaw ay magpapailalim sa ALS. ang ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:

  • Sa pormal na edukasyon, kailangan mong pumasok sa paaralan, mula Lunes hanggang Biyernes, mula 6 ng umaga hanggang sa matapos ito sa hapon. Sa ALS, papasok ka lamang sa mga ALS Training Centers sa inyong baranggay o sa pinakamalapit na ALS Center sa inyong bayan, isang beses sa isang linggo. Ito ay kadalasang tumatagal lamang ng 2 hanggang 3 oras.
  • Sa pormal na edukasyon, kailangang makumpleto ang mga skills and competencies ng bawat asignatura upang pumasa kada quarter. Sa ALS, ang aralin ay ibinibigay sa mga mag-aaral at inaaral nila ito sa tahanan. Kapag sila'y nagkikita sa Training Center, itinuturo ng guro ang mga punto na hindi naiintindihan ng mga mag-aaral.

Ito ay ilan lamang sa mga benepisyong hatid ng ALS sa mga nagnanais na magkaroon ng sapat na karunungan ngunit, mas makabubuti pa rin ang pag-aaral sa pormal na edukasyon dahil mas natututukan ang bawat mag-aaral sa paggabay ng mga guro. Tandaan na ang ALS ay laan lamang sa nais bumalik sa pag-aaral ngunit hindi  akma ang edad para sa pormal na edukasyon.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa ALS, maaaring buksan ang link sa ibaba:

  • Advantages and disadvantages of alternative learning system in the philippines (Mabuti at di mabuting dulot ng Alternative Learning System sa Pilipinas) https://brainly.ph/question/1940180

#LetsStudy