IDNStudy.com, ang perpektong platform para sa malinaw at eksaktong mga sagot. Hanapin ang impormasyon na kailangan mo nang mabilis at madali sa pamamagitan ng aming komprehensibo at eksaktong platform ng tanong at sagot.

Ano ang panaganong pandiwang paturol ?

Sagot :

Ang panagano ng pandiwa ay tumutukoy sa iba't ibang anyo ng pandiwa ayon sa panahon. Mayroong apat na panagano ng wika. Ito ay ang mga sumsunod:

  1. panaganong pawatas;
  2. panaganong pautos;
  3. panaganong paturol;
  4. panaganong pasakali.

Basahin ang kahulugan at halimbawa ng panaganong pawatas sa https://brainly.ph/question/435515.

Ang Antas ng Pandiwa

Ang panaganong pandiwang paturol ay tumutukoy sa panagano ng wika kung saan nagbabago ang anyo ng wika batay sa aspekto nito gaya ng:

  1. perpektibo o angmga salita o kilos na tapos na;
  2. imperpektibo o ang mga salita o kilos sa kasalukuyan.;
  3. kontemplatibo o ang mga salita o kilos sa hinaharap.

Ang mga sumusunod ay halimbawa ng panaganong pandiwang paturol:

Ugat            Panlapi      Perpektibo        Imperpektibo        Kontemplatibo

kain                 in          kinain               kinakain               kakainin

ibig                  um        umibig              umiibig                 iibigin

tanim              nag        nagtanim           nagtatanim           magtatanim

Iba pang halimbawa ng pandiwang imperpektibo, basahin sa https://brainly.ph/question/1941597.

Ang Pandiwa ay ang mga salitang nagsasaad ng puwersa o kilos. Iba pang halimbawa ng salitang Pandiwa, alamin sa https://brainly.ph/question/2172664.

Ang panaganong pandiwang paturol ay mga salitang ugat na maaaring kabitan ng mga panlaping um-, mag- o ma-. Ang um- ay madalas na ginagamit para sa mga internal na aksyon o di kaya'y aksyon ng kalikasan. Ang mag- ay madalas na ginagamit sa eksternal na aksyon at mga hiram na salita. Ang ma- ay maaaring katulad ng kahulugan ng salitang ugat o di kaya'y tumutukoy sa pakiramdam.

Kahulugan ng Panaganong Pandiwang Paturol

Ang panaganong pandiwang paturol ay mga salitang ugat na maaaring kabitan ng mga sumusunod na mga panlapi:

  1. um-
  2. mag-
  3. ma-

Um-

  • Ang um- ay madalas na ginagamit para sa mga internal na aksyon o di kaya'y aksyon ng kalikasan.
  • Halimbawa: bumasa, bumilang, sumulat, lumakad

Mag-

  • Ang mag- ay madalas na ginagamit sa eksternal na aksyon at mga hiram na salita.
  • Halimbawa: magbasa, magbilang, magsulat, maglakad

Ma-

  • Ang ma- ay maaaring katulad ng kahulugan ng salitang ugat o di kaya'y tumutukoy sa pakiramdam.
  • Halimbawa: maawa, mainis, magalit, maasiwa

Iyan ang kahulugan ng mga panaganong pandiwang paturol.

  • Ano nga ba ang panlapi? https://brainly.ph/question/281820
  • Ano ang panlapi at mga halimbawa nito? https://brainly.ph/question/298476  
  • Ano ang panlapi at mga uri nito? https://brainly.ph/question/440957