IDNStudy.com, ang iyong pangunahing mapagkukunan para sa mga sagot ng eksperto. Alamin ang mga detalyadong sagot mula sa mga bihasang miyembro ng aming komunidad na sumasaklaw sa iba't ibang paksa para sa lahat ng iyong pangangailangan.
Ang di-berbal na komunikasyon ay ang komunikasyong ginagawa o isinasagawa na hindi ginagamitan ng salita o ng sulat.
Maraming uri ng di-berbal na komunikasyon. Ito ay ang mga sumusunod:
1. Mga galaw ng katawan o ang tinatawag na “kinesics”. Ang mga halimbawa nito ay ang pagtango, paggalaw ng ulo at pagkumpas ng mga kamay.
2. Bikas, o ang paraan kung paano ka tumayo, umupo o kung paano mo ikinikilos ang iyong mga kamay o paa.
3. Pagtingin sa mata na nagpapakita kung gaano mo sinusukat ang pagtitiwala at ang pagiging mapagkakatiwalaan.
4. Pagiging malapit o ang tinatawag na “proxemics” na sumusukat sa antas ng pagiging malapit sa isa’t-isa
5. Ekspresyon ng mukha tulad ng pagngiti, pagsimangot o kaya ay ang paggalaw ng mga mata.
6. Pagbabago sa itsura tulad ng pagpapawis ng sobra kapag nininerbiyos.