Suriin ang IDNStudy.com para sa mabilis at kaugnay na mga sagot. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng kumpleto at eksaktong sagot mula sa aming komunidad ng mga propesyonal.
Sagot :
Kahulugan ng Nagmumukmok
Ang salitang nagmumukmok ay binubuo ng unlapi at salitang ugat na mukmok. Ang kahulugan nito ay nagtatampo o nagdadamdam. Ito ay tumutukoy sa pagpapakita ng sama ng loob at hindi pagkatuwa. Ang nakaupong nagmumukmok ay ang pananatili sa isang lugar na may kinikimkim na sama ng loob. Ito ang pananahimik at paglayo sa tao.
Mga Halimbawang Pangungusap
Ating gamitin ang salitang nagmumukmok sa pangungusap upang mas maunawaan ito. Narito ang ilang halimbawa:
- Hindi nakasama si Ruby sa fieldtrip ng kanilang paaralan kaya naman nagmumukmok siya sa kanyang silid.
- Nagmumukmok si Roger dahil hindi siya binilhan ng bagong laruan ng kanyang nanay.
- Suyuin mo nga si Aurora. Maghapon na siyang nagmumukmok sa kanyang kama.
Kahulugan ng ilang malalim na salita:
https://brainly.ph/question/2752020
#LearnWithBrainly
Salamat sa iyong presensya. Patuloy na magtanong at magbahagi ng iyong mga ideya. Ang iyong kaalaman ay mahalaga sa ating komunidad. Bawat tanong ay may sagot sa IDNStudy.com. Salamat at sa muling pagkikita para sa mas maraming solusyon.