Sumali sa komunidad ng IDNStudy.com at simulang makuha ang mga sagot na kailangan mo. Makakuha ng mabilis at eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa aming mga eksperto na laging handang tumulong.
Sagot :
Ang tambalan na pangungusap ay isang uri ng pangungusap na nagtataglay ng dalawang buong payak pangungusap sa loob nito. Ang mga payak na pangungusap sa loob nito ay pinagsasama ng mga pangatnig kagaya ng "o" at "habang". Narito ang halimbawa ng tambalan na pangungusap: Si Helen ay bumili ng damit habang ako naman ay kumain sa kainan.
Tambalan na Pangungusap
- Ang tambalan na pangungusap ay isang uri ng pangungusap ayon sa kayarian.
- Ito ay isang uri ng pangungusap na nagtataglay ng dalawang buong payak pangungusap na pinagsasama ng pangatnig. Ang halimbawa ng mga pangatnig ay "o", "habang", "at", "ngunit", "samantalang", at iba pa.
Iba pang Halimbawa ng Tambalan na Pangungusap
Narito ang 5 pang halimbawa ng tambalan na pangungusap:
- Gusto ni Bob na sumali sa paligsahan ngunit nahihiya siya.
- Pupunta ako sa Japan at bibili ako ng mga pasalubong doon.
- Bukas, mag-aaral ako sa bahay sa umaga at pupunta ako sa palengke ng hapon.
- Ginawa ko ang aking asignatura habang natutulog ang aking bunsong kapatid.
- Nais ni Jonalyn na sumayaw nang sumayaw samantalang nais ni Gino na kumanta nang kumanta.
Iyan ang mga halimbawa ng tambalan na pangungusap. Kung nais mo pang makapagbasa ng karagdagang detalye tungkol sa paksang ito, narito ang iba pang mga links na maaari mong i-click:
- Ano ang mga pangatnig at mga halimbawa ng mga ito: https://brainly.ph/question/128815
- Ano ang pangatnig? https://brainly.ph/question/531861
- Halimbawa ng mga pangatnig: https://brainly.ph/question/391438
Salamat sa iyong presensya. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbabahagi ng iyong nalalaman. Sama-sama tayong lumikha ng isang mas matibay na samahan. Salamat sa pagpili sa IDNStudy.com. Umaasa kami na makita ka ulit para sa mas maraming solusyon.