Sumali sa komunidad ng IDNStudy.com at simulang makuha ang mga sagot na kailangan mo. Makakuha ng mabilis at eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa aming mga eksperto na laging handang tumulong.

anu-ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng kooperasyon ng mamamayan at pamahalaan sa paglutas ng suliraning panlipunan

Sagot :

Suliraning Panlipunan

Answer:

Kung magkakaisa ang lahat sa paglutas ng suliraning panlipunan, tiyak ay magiging madali ang paghahanap ng solusyon dito. Ang pamahalaan ay magpapatupad ng programa bilang solusyon. Ang mga mamamayan naman ay makikilahok dito. Sa ganitong paraan, sabay na kumikilos ang dalawang unit na ito ng lipunan. Ito rin ang daan upang makamit ang kabutihang panlahat.

Ang kooperasyon sa pagitan ng mamamayan at pamahalaan ay magpapadali ng paglutas sa mga suliraning panlipunan.  

Iba pang kahalagahan

Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga kahalagahan na mayroon ang pagkakaisa ng mamamayan at pamahalaan sa paglutas ng suliraning panlipunan

  1. Mapapabilis at mapapadali ang buong proseso
  2. Nakakaisip ng mas epektibong paraan ng paglutas dito
  3. Nagkakaroon ng palitan ng ideya ang mga mamamayan at ang pamahalaan

Sumangguni sa sumusunod na link para sa karagdagang kaalaman tungkol sa mga halimbawa ng suliraning panlipunan https://brainly.ph/question/551377

#LearnWithBrainly