IDNStudy.com, ang perpektong platform para sa eksaktong at mabilis na mga sagot. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng kumpleto at eksaktong sagot mula sa aming komunidad ng mga propesyonal.
Sagot :
Elemento ng Alamat
Ang alamat ay tumutukoy sa mga kwento na naglalahad ng pinagmulan ng iba't ibang bagay sa daigdig. Ito ay mga kwentong kamangha-mangha at nag-iiwan din ng aral sa mga mambabasa. Ang alamat ay binubuo ng pitong elemento. Ang sumusunod ay ang mga elemento nito:
- Tauhan
- Tagpuan
- Saglit na Kasiglahan
- Tunggalian
- Kasukdulan
- Kakalasan
- Katapusan
Kahulugan ng Mga Elemento ng Alamat
Upang maunawaan ang gampanin ng bawat elemento sa isang alamat, narito ang kahulugan ng mga ito:
- Tauhan - Ito ang mga gumaganap sa kwento. Ang mga tauhan ang nagbibigay buhay sa alamat.
- Tagpuan - Ito ay tumutukoy sa lugar at panahon na pinangyarihan ng mga aksyon sa kwento.
- Saglit na Kasiglahan - Ang elementong ito ang naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhan sa suliranin.
- Tunggalian - Ito naman ang naglalahad ng pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan laban sa suliranin.
- Kasukdulan - Ang elementong ito ang naglalahad ng kahihinatnan sa pinaglalaban ng pangunahing tauhan sa alamat.
- Kakalasan - Ito ang unti-unting pagbaba ng mga tagpo sa kwento mula sa maigting na pangyayari.
- Katapusan - Ito ang naglalahad ng resolusyon ng kwento. Ang katapusan ng alamat ay maaaring masaya o malungkot.
Bahagi ng Alamat:
https://brainly.ph/question/54321
Mga Halimbawa ng Alamat:
https://brainly.ph/question/659016
#LearnWithBrainly
Ang iyong presensya ay mahalaga sa amin. Patuloy na magbahagi ng iyong karanasan at kaalaman. Ang iyong ambag ay napakahalaga sa aming komunidad. Gawin mong pangunahing mapagkukunan ang IDNStudy.com para sa maasahang mga sagot. Nandito kami para sa iyo.