Magtanong at makakuha ng malinaw na mga sagot sa IDNStudy.com. Makakuha ng mga kumpletong sagot sa lahat ng iyong mga tanong mula sa aming network ng mga eksperto.

Kahulugan ng maringal?



Sagot :

Kahulugan ng Maringal

Ang salitang maringal ay may salitang ugat na dingal. Ito ay kadalasang iniuugnay sa salitang marangal ngunit sila'y magkaiba. Ang kahulugan ng maringal ay pagiging marangya, kahanga-hanga, magarbo, elegante o kabilib-bilib ng isang bagay o pagdiriwang. Ito ang pagkakaroon ng angat na ganda o galing kaysa sa iba. Sa Ingles, ito ay magnificent o grand.

Mga Halimbawang Pangungusap

Gamitin natin ang salitang maringal sa pangungusap upang mas maintindihan ito. Narito ang mga halimbawa:

  • Isang maringal na bata si Bruno dahil sa murang edad ay nagtatrabaho na siya para matulungan ang kanyang mga magulang.

  • Pangarap ko ang magkaroon ng isang maringal na kasal.

  • Maringal na Pista ang sumalubong sa amin noong umuwi kami ng probinsya.

Malalim na salitang Tagalog:

https://brainly.ph/question/2752020

#LearnWithBrainly