Makahanap ng mga solusyon at sagot sa lahat ng iyong katanungan sa IDNStudy.com. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng mga maalam na sagot mula sa aming komunidad ng mga propesyonal.

Ano ang pagkakaiba ng pantay at patas?

Sagot :

Answer:

Ang pantay ay nangangahulugan na magkatulad, sa dami o sa sitwasyon, depende sa konteksto ng pangungusap, at hindi kinikosidera ang mga pangangailangan o pagkakaiba habang ang patas naman ay nangangahulugan na natugunan ang pangangailangan ng bawat isa, magkaiba man ang sukat o bilang na naitugon.

Para sa karagdagang impormasyon maaaring sumangguni sa link na ito:

https://brainly.ph/question/62326

Mga pangungusap gamit ang salitang pantay :

  1. Pantay ang bilang ng pakwan na ipinamahagi ni Alex sa kanyang tatlong anak.
  2. Hindi malaman ni Lucy kung bakit hindi pantay ang baon nila ng kanyang Kuya.

Para sa karagdagang impormasyon maaaring sumangguni sa link na ito: https://brainly.ph/question/2287784

Mga pangungusap gamit ang salitang patas

  • Ang patas na alokasyon at pagtrato ay depende sa konkretong sitwasyon at kalagayan.  
  • Patas kung disiplinahin ni Joan ang kanyang mga anak, iniaangkop nya sa kasalanan ang bigat ng parusa

Para sa karagdagang impormasyon maaaring sumangguni sa link na ito: https://brainly.ph/question/531738