Ang wikang Filipino ay binubuo
ng dalawang uri ng tunog: ang mga ponemang segmental at suprasegmental.
Ang mga diptonggo, patinig,
katinig, kambal-katinig o klaster at pares minimal ay kabilang sa mga tunog
segmental. Ang diin, intonasyon at hinto naman ay nabibilang sa suprasegmental
na tunog.
Ang
alinmang patinig na sinusundan ng malapatinig na w at y ay tinatawag na
Diptonggo. Kambal katinig o klaster naman ang pagsasama ng
dalawang magkasunod na katinig sa isang pantig na maaring nasa una, gitna, or huli.
Tinatawag naman na pares minimal kung
magkasingtunog ang mga salita pero magkakiba ang kahulugan samantalang klaster naman ang tawag sa mga salitang may
dalawang magkasunod na katinig sa isang pantig.
Upang lubos itong maintindihan, basahin at
unawain ang susunod na halimbawa ng tulang may pares minimal, diptonggo,
klaster at kambal katinig.
Buksan at basahin ang nakalakip na dokumento para halimbawa ng tula na ginagamitan ng diptonggo, klaster, at pares minimal.