Ang Himalayas ay isang mahabang bulubundikin na nasasakop ng limang bansa. Ito ay ang India, Nepal, Bhutan, China, at Pakistan. Nagsisilbi itong dibisyon ng Indian subcontinent o ang ang rehiyon sa timog asya na ang malaking bahagi ay nasa Indian Plate at ng Tibetan Plateau. Matatagpuan din sa Himalayas ang bundok na may pinakamataas na tuktok sa buong mundo, ang Mount Everest. Ang bulubunduking ito ay nabuo mula sa mahabang panahong pagbabanggan ng Indian Plate at Eurasian Plate.