IDNStudy.com, ang platform na nag-uugnay ng mga tanong sa mga sagot ng eksperto. Hanapin ang mga solusyong kailangan mo nang mabilis at madali sa tulong ng aming mga eksperto.

ANO ANO ANG PARAAN NG PAMUMUHAY NOON AT NGAYON

Sagot :

Dito sa Pilipinas, halos hindi nagbago ang paraan ng pamumuhay noon at ngayon pero nadagdagan lang at ang iba ay ibinagay base sa takbo ng pangangailangan ng mga mamamayan.  Kung ihahambing rin noon ay napakapayak ng pamamaraan pero ngayon ay medyo komplikado na dahil na rin sa abanteng teknolohiya.

Mga bagay na hindi nagbago ang pamumuhay noon at ngayon:

  1. Uri ng hanapbuhay (ekonomiya)
  2. Sekular na Propesyon  (professionalism)
  3. Globalisasyon (globalization)

Uri ng Hanapbuhay

Una, ang hanapbuhay ng Pilipinas ay may kinalaman sa pangunahing pangangailangan ng tao at hindi pa rin nawawala ang mga pamamaraang ito mula noon hanggang ngayon. Itoa ay ang:

  • pagsasaka
  • pangingisda
  • pangangalakal

Nadadagdagan lamang ito ng iba pag teknolohiya upang mas mapabilis at mapadami ang produksyon. Napapansin pa din naman iba lalo na ng mga may-edad na ang mga yamang-tubig at yamang lupa ay mas mabunga noon sa natural na paraan. Siguro dahil na din sa epekto ng mga kemikal at iba pang kagamitan.

Alamin kung anong uri ng ekonomiya ang Pilipinas sa https://brainly.ph/question/165099

Sekular na Propesyon

Ikalawa, ang mga propesyon gaya ng panggagamot, pagtuturo at pag-oopisina ay may rekord na rin sa panahon hanggang sa ngayon. Ang ikinaiba na lamang ay ang pagdami ng pagpipilian sa ngayon at maging ang pagbilis n globalisasyon na siyang ikatlong sagot.

 

Ano ang kahulugan ng propesyonal na mga trabaho sa https://brainly.ph/question/720330.

Globalisasyon

Ikatlo, ang mga trabahong pang industriya na mayroon na noon pero hindi gaano.  Pero ngayon ay lalong umusbong ito dahil na rin sa globalisasyon o ang pangingibang bansa ng mga tao.

Ano ang dahilan ng globalisasyon at resulta ng pamumuhay noon at ngayon? Basahin sa https://brainly.ph/question/788496