Answered

IDNStudy.com, ang iyong gabay para sa mga sagot ng komunidad at eksperto. Ang aming komunidad ay handang magbigay ng malalim at maaasahang mga sagot, anuman ang kahirapan ng iyong mga katanungan.

ano po ang kahulugan ng salitang teheras, paanas, mapapakagat-labi,walang-imik,abaloryo,pupitre,pambubuska , pagyayabang?

Sagot :

Teheras o tiheras ay tumutukoy sa uri ng higaan na maaaring itiklop at maaaring madalas sa iba’t ibang lugar.

 

Ang paanas naman ay tumutukoy sa paraan ng mahihinang pagsasalita ng isang tao o nangangahulugan na pabulong.

 

Mapapakagat-labi ang pagtukoy sa ginagawa ng isang tao sa panahon ng pagkatakot, pagkatuwa, o pagkagusto.

 

Walang-imik ay literal na tumutukoy sa pagtahimik at pagka-walang kibo ng isang tao.

 

Abaloryo ay isang babasaging ornamento o beads sa Ingles.

 

Pupitre naman ang salitang hiram na ginagamit upang tumukoy sa upuan na pang-iskwela.

 

Pambubuska naman ang Tagalog na kataga na tumutukoy sa pang-aalipusta o pang-iinis ng isang tao.

 

Ang pagyayabang ay tumutukoy sa gawain ng isang taong hambog.