IDNStudy.com, ang platform na nag-uugnay ng mga tanong sa mga solusyon. Alamin ang mga detalyadong sagot mula sa mga bihasang miyembro ng aming komunidad na sumasaklaw sa iba't ibang paksa para sa lahat ng iyong pangangailangan.

pagkakaiba ng karagatan sa duplo



Sagot :

           Isa sa kayamanan ng mga Pilipino ay ang pagkakaroon ng mayamang panitikan. Ginagamit ng mga manunulat ang kanilang imahinasyon para sa pagsulat ng mga akdang bungang-isip lamang

Tulang patnigan ay isang uri ng patulang pagtatalo na kung saan ang itoy ginagamitan ng pangangatwiran at  matalas na pag-iisip.

Ibat-ibang tulang patnigan

Duplo

           Ito ay larong ipinalit sa karagatan na kung saan ito ay labanan din sa pagalingan ng pagbigkas. Ito ay tungggalian sa pagbibigay ng katwiran sa anyong patula. Maaring ang paksa ng tula ay galing sa kasabihan, salawikain, at mga aral sa bibliya. Nilalaro rin ito kapag may lamay ng patay. Ang p

  • Karagatan

         Ito ay isang uri ng tula na karaniwang nilalaro. Ito ay larong madalas gianganap tuwing may namatayan o sa lamay.  Sinisimulan ito ng matandang tutula kung ano ang paksa ng laro. Ginagamitan ito ng tabo o kaya bote na paiikutinn tapos kung sino matapatan ay hahawakan ang tabo o bote na siyang sasagot sa tanong. Kadalasan ang naglalaro nito ay binate at dalaga na magsasagutan sa matalinghagang bugtong.

  • Balagtasan

          Ito naman ay ipinalit sa duplo. Ang balagtasan ay debate na binibigkas ng anyong patula. Ipinangalan ito sa tanyag na manunulat na si Francisco "Balagtas" Baltazar"Ang Ama ng Balagtasan".

 Ang pagkakaiba ng karagatan sa duplo

          Ang larong duplo ay larong patula na pwedeng laruin ng kahit sino basta may matalas na pag-iisip ngunit ang karagatan ay dalaga at binata lang ang naglalaro.

Para sa karagdagang impormasyon

https://brainly.ph/question/386677

https://brainly.ph/question/175559

#BetterWithBrainly