IDNStudy.com, ang komunidad ng pagbabahagi ng kaalaman. Sumali sa aming platform ng tanong at sagot upang makatanggap ng mabilis at eksaktong tugon mula sa mga propesyonal sa iba't ibang larangan.
Answer:
May dalawang pangunahing aspeto ang ating pagkatao ito ay ang isip at kilos-loob. Ang dalawang ito ay magkaugnay ngunit may kanya-kanyang papel sa atin. Ang isip ay siyang sentro na tumutulong sa atin na mag-analisa, magplano, at mag-isip ng mga solusyon sa mga suliranin. Habang ang kilos-loob naman ay tumutulong sa atin na gumawa ng mga desisyon batay sa ating mga pinahahalagahan at moral na paniniwala. Ang isip at kilos-loob ay mahalaga sa ating pagkatao upang makamit ang mga tamang desisyon sa ating buhay.
Ang ugnayan sa pagitan ng isip at kilos-loob ay nagbibigay daan sa mas maayos na pagtugon sa mga pagsubok at sitwasyon na ating kinakaharap. Halimbawa, kapag ikaw ay may mataas na kakayahang mag-isip ngunit walang kilos-loob ay maaaring mahirapan na ipatupad ang kanyang mga plano, samantalang ang isang tao na may kilos-loob ngunit kulang sa kaalaman ay maaaring magkamali sa kanyang mga desisyon. Kaya't ang pagkakaroon ng balanseng isip at kilos-loob ay nagiging daan sa pagiging matagumpay sa buhay.
Explanation: