IDNStudy.com, ang iyong destinasyon para sa malinaw at mabilis na mga sagot. Ang aming komunidad ay handang magbigay ng malalim at maaasahang mga sagot, anuman ang kahirapan ng iyong mga katanungan.
Sagot :
Answer:
Panuto: Suriin ang prosesong nakapaloob sa kahon. Sagutin ang mga tanong at
isulat ang iyong sagot sa kuwaderno.
Hakbang sa Paggawa ng Manwal
May siyam na hakbang na kailangan sundan upang maging mabisa ang
ginagawang manwal.
1. Tukuyin ang layunin ng manwal sa pamamagitan ng paggamit ng sino, ano,
kailan, saan, bakit, at paano.
2. Kolektahin ang impormasyon mula sa mga eksperto.
3. Uriin at ayusin ang impormasyon.
4. Magpasya sa naaangkop na disenyo para sa manwal.
5. Gumawa ng isang script o balangkas.
6. Isulat ang manwal.
7. Ipakita ito sa mga taong maaring gumamit o sa iyong editor.
8. Ilathala ang manwal.
9. Baguhin ang manwal kung ito ay may mga mali o nakalilitong instruksyon.
Mga Tanong:
1. Anong uri ng sulatin ang mabubuo sa mga hakbang na nakapaloob sa
kahon sa itaas?
2. Madali ba itong gawin? Ibigay ang iyong ganting galaw.
3. Sino-sino ang gumagamit ng ganitong sulatin? Bakit?
Pag- aaralan mo ngayon ang tungkol sa kahulugan, layunin, gamit, katangian
at anyo ng teknikal-bokasyunal na sulatin.
Ayon kay Renzo Martin (June 30, 2016),ang Teknikal-Bokasyonal na Sulatin
ay isang komunikasyong pasulat sa larangang may espesyalisadong bokabularyo
tulad ng isang agham, inhenyera, teknolohiya, at agham pangkalusugan.
Karamihan sa gamit nito ay upang makalikha ng teksto na mauunawan nang
malinaw. Maliban dito ang teknikal na pasulat ay tiyak at tumpak lalo na sa
pagbibigay ng panuto. Ito ay payak dahil sa hangarin. Ito ay kailangang maging
malinaw, maunawaan at kumpleto ang binibigay na impormasyon. Kailangan ding
walang maling gramatikal, walang pagkakamali sa bantas at may angkop na
pamantayang kayarian.
Teknikal-Bokasyunal na Pagsulat
Ang teknikl-bokasyunal na pagsulat ay napakahalaga sa paraan ng pagsulat at komunikasyon para sa propesyunal na pagsulat tulad ng ulat panglaboratoryo,mga proyekto,mga panuto at dayagram.Ang teknikal na pagsulat ay mahalagang bahagi ng industriya dahil ito ang nagbibigay ng mahahalagangdokumentasyon sa gamit at aplikasyon ng mga produkto at paglilingkod sa bawat industriya.Malaki rin ang naitutulong sa paghahanda ng mga teknikal na dokumento para sa kaunlaran ng teknolohiya upang mapabatid ito nang mas mabilis, espisyente, at produktibo.
Ang pokus ng teknikal-bokasyunal na pagsulat ay ang introduksyon ng mga mag-aaral sa iba’t ibang uri ng pagsulat na kailangan sa mga gawaing may teknikal na oryentasyon.Anu mang uri ng propesyonal sa gawain ang ginagawa mo,maaaring ito ay nangangailangan ng mga gawaing pagsulat at marami rito ay likas na teknikal.Habang mas marami ang alam mo ukol sa batayang kasanayan sa teknikal na pagsulat,mas mahusay na pagsulat ang magagawa mo.
Layunin ng Teknikal-Bokasyonal na Pagsulat
Upang magbigay alam.
Upang mag-analisa ng mga pangyayari at implikasyon nito.
Upang manghikayat at mang-impluwensya ng desisyon.
Impormatibong pagsulat o expository writing
Malikhaing pagsulat
Mapanghikayat na pagsulat o persuasive writing
Gamit ng Teknikal-Bokasyonal na Pagsulat
Upang maging batayan sa desisyon ng namamahala
Upang magbigay ng kailangang impormasyon
Upang magbigay ng intruksyon
Upang magpaliwanag ng teknik
Upang mag-ulat ng natamo (achievement)
Upang mag-analisa ng may suliraning bahagi (problem areas)
Upang matiyak ang pangangailangan ng disenyo at Sistema
Upang maging batayan ng pampublikong ugnayan
Upang mag-ulat sa mga stockholders ng kumpanya
Upang makabuo ng produkto
Upang makapagbigay ng serbisyo
Upang makalikha ng proposa
Katangian ng Teknikal-Bokasyonal na Sulatin:
May espesyalisadong bokabularyo
Tiyak
Tumpak
Malinaw
Nauunawaan
Kumpleto ang impormasyon
Walang kamaliang gramatikal
Walang kamalian sa bantas
Angkop na pamantayang kayarian
Di-emosyonal
Obhetibo
Salamat sa iyong presensya. Patuloy na magbahagi ng iyong mga ideya at kasagutan. Sama-sama tayong magpapaunlad ng isang komunidad ng karunungan at pagkatuto. Bumalik ka sa IDNStudy.com para sa maasahang mga sagot sa iyong mga katanungan. Salamat sa iyong tiwala.