Sumali sa IDNStudy.com at tuklasin ang komunidad ng pagbabahagi ng kaalaman. Anuman ang kahirapan ng iyong mga tanong, ang aming komunidad ay may mga sagot na kailangan mo.

ibig sabihin ng babang luksa


Sagot :

Answer:

ang babang luksa ay panahon ng pagtatapos ng pagluluksa

Explanation:

Isang taon ngayon ng iyong pagpanaw

Tila kahapon lang nang ika’y lumisan;

Subalit sa akin ang tanging naiwan,

Mga alaalang di malilimutan.

Kung ako’y nasa pook na limit dalawin

Naalala ko ang ating paggiliw;

Tuwa’y dumadalaw sa aking paningin

Kung nagunita kong tayo’y magkapiling.

Kung minsan sadya kong dalawin ang bahay

Na kung saan una tayo’y nag-ibigan

Sa bakura’t bahay, sa lahat ng lugar

Itong kaluluwa’y hinahanap ikaw.

Sa matandang bahay napuno ng saya

Sa araw na iyo’y pinagsaluhan ta;

Ang biyayang saglit, kung nababalik pa

Ang ipapalit ko’y ang aking hininga.

Bakit ba, mahal ko, kayagang lumisan

At iniwan akong sawing kapalaran

Hindi mo ba talos, kab’yak ka ng buhay

At sa pagyaon mo’y para ring namatay?

Marahil tinubos ka ni Bathala

Upang sa isipa’y hindi ka tumanda

At ang larawan mo sa puso ko’t diwa

Ay manatiling maganda at bata

Sa paraang ito, kung nagkaedad na

Ang puting buhok ko’y di mo makikita

At ang larawan kong tandang-tanda mo pa

Yaong kabataan taglay na tuwina.

At dahil nga rito, ang pagmamahal

Ay hanggang matapos ang kabataan

Itong alaala ay laging buhay

Lalaging sariwa sa kawalang hanggan

Kaya, aking mahal sa iyong pagpanaw

Tayo’y nagtagumpay sa dupok ng buhay

Ang ating pagsintang masidhi’t marangal

Hindi mamamatay, walang katapusan

Ang kaugalian ng ninuno natin