IDNStudy.com, ang iyong destinasyon para sa maaasahan at pangkomunidad na mga sagot. Tuklasin ang malalim na sagot sa iyong mga tanong mula sa aming komunidad ng mga bihasang propesyonal.
Sagot :
Answer:
Ang wika ay isang napakahalagang instrumento na magagamit natin sa pakikipagtalastalasan at pakikisalamuha sa ibang tao. Sa pamamagitan nito, madali nating naipapahayag ang ating saloobin at damdamin sa ibang tao. Ang wika ang nagsisilbing gabay sa atin upang makapaghatid tayo ng impormasyong kinakailangang maunawaan ng nakararami. Halimbawa na lamang ay ang pag-uulat ng napapanahong balita o mga krimen na nangyayari sa loob at labas ng ating bansa ng sa gayon ay maging alerto ang bawat tao sa kung ano ang kanilang nararapat na gawain upang mawakasan ang mga ganitong uri ng sitwasyon. Mahalaga na alamin at maunawaan natin ang iba’t ibang wika upang maiwasan ang hindi pagkakaintindihan sa mga bagay bagay. Ito ang nagiging gabay sa mga hakbang na ating kinakailangan upang maisakatuparan ang ating tungkulin sa pang araw-araw na buhay. Bukod pa dito nagkakaroon tayo ng kalayaan na makapagsalita at makapag komento sa mga pangyayari. Kung wala ang wika, mananatili na lamang tayong bulag at pipi sa mga problemang ating kinakaharap. Laging pakatatandaan na ang wika ay buhay at ito ay ginagamit lamang sa paghahatid ng lehitibong ulat o impormasyon sa bawat isa
Ang iyong presensya ay mahalaga sa amin. Patuloy na magbahagi ng iyong karanasan at kaalaman. Sama-sama tayong magtutulungan upang makamit ang mas mataas na antas ng karunungan. Ang IDNStudy.com ay nangako na sasagutin ang lahat ng iyong mga tanong. Salamat at bisitahin kami palagi.