IDNStudy.com, ang iyong mapagkukunan para sa maaasahan at pangkomunidad na mga sagot. Ang aming platform ay nagbibigay ng mga maaasahang sagot upang matulungan kang gumawa ng matalinong desisyon nang mabilis at madali.

Ano ang patalinghagang salita?​

Sagot :

Answer:

akipaglaro ng apoy/ Naglalaro ng apoy

Kahulugan: Ito ay may kahulugan na pagtataksil sa asawa o karelasyon o anumang gawain na

makapaglalagay sa alanganin ng isang relasyon.

Sinasabing nagmula ang talinhagang ito mula sa konsepto ng init na nararamdaman ng tao kahit

sa hindi niya karelasyon. At kapag nangyari na ito, tila isang apoy daw na nakapapaso ito ng

relasyon na minsan ay nauuwi pa sa pagkatunaw o pagtatapos.

Kahalagahan: Mahalaga ito dahil maliban sa pagiging isang matalinhagang salita, nagsisilbi rin

itong babala sa mga taong nais gumawa ng panloloko sa kanilang kapuwa.

Tandaan na sa maraming pagkakataon ay iniiwasan natin ang apoy dahil ito ay nakapapaso o

nakaaabo ng mga ari-arian.

Kabiyak ng puso

Kahulugan: Ito ay nangangahulugang sinisinta, asawa, o sinumang minamahal na nais pakasalan.

Sinasabing kabiyak ng puso ang isang minamahal dahil magkasama na sila sa mga desisyon sa

buhay at iisa na ang tinitibok ng kanilang puso.

Kahalagahan: Nakikita ang halaga ng matalinhagang salitang ito bilang salita na ginagamit sa

mga tula, sanaysay, o iba pang sulatin na tumutukoy sa damdamin.

Sinasabi rin nito ang tunay na anyo ng pagmamahal ay nakikita sa itinitibok ng puso at maaaring

magkaroon ng maganda at maayos na koneskisyon sa isa’t isa.

Pag-iisang Dibdib

Kahulugan: Ito ay nangangahulugan ng kasal o wagas na pagsasama ng magkasintahan.

Nagmula ang talinhaga na ito dahil sa sermonyang idinaraos upang pag-isahin ang dalawang

taong nag-iibigan na tinatawag na kasal.

Ipinakakahulugan nito na ang dalawang nagmamahalan ay dapat iisa na lamang sa maraming

bagay sa kanilang buhay.

Naniningalang Pugad

Kahulugan: Ito ay pantukoy sa isang taong nag-uumpisa nang magparamdam ng kanyang

damdamin sa napupusuan niya. Sa madaling sabi, siya ay nanliligaw na o nanunuyo na para

maging kaniyang nobya.

Nagmula ang katagang ito sa paghango sa gawain ng mga ibon. Ang pugad ng isang ibon ay

karaniwang nasa taas ng puno na hinahanap naman ng ilang lalaking ibon upang lahian at doon

makapangitlog.

Explanation: