IDNStudy.com, ang iyong mapagkukunan ng mabilis at eksaktong mga sagot. Ang aming komunidad ay narito upang magbigay ng detalyadong sagot sa lahat ng iyong mga katanungan.

Ang Ama
Maikling Kwento ng Singapore
Salin ni M.R. Avena
Magkahalo lagi ang takot at pananabik kapag hinihintay ng mga bata ang
kanilang ama. Ang takot ay sa alaala ng isang lasing na suntok sa bibig na nagpapatulo
ng dugo at nagpapamaga ng ilang araw na labi. Ang pananabik ay sa pagkain na
paminsan-minsa'y iniuuwi ng ama - malaking supot ng mainit na pansit na iginisa sa
itlog at gulay. Ang totoo, para sa sarili lang niya ang iniuuwing pagkain ng ama,
lamangay napakarami nito upang maubos niya nang mag-isa; pagkatapos ay naroong
magkagulo sa tira ang mga bata na kangina pa aali-aligid sa mesa. Kundi sa pakikialam
ng ina na mabigyan ng kaniya-kanyang parte ang lahat- kahit ito'y sansubo lang ng
masarap na pagkain, sa mga pinakamatanda at malakas na bata lamang mapupunta
ang lahat, at ni katiting ay walang maiiwan sa maliliit.
Anim lahat ang mga bata. And dalawang pinakamatanda ay isang lalaki, dose
anyos at isang babae, onse anyos; matatapang ang mga ito kahit na payat, at
nagagawang sila lang lagi ang maghati sa lahat ngbagay kung wala ang ina upang
tiyaking may parte rin ang maliliit. May dalawang lalaki, kambal, nanuwebe anyos,
isang maliit na babae, otso anyos, at isang dos anyos na paslit pa, katulad ng iba, ay
maingay na naghahangad ng marapat niyang parte sa mga pinag-aagawan.
Natatandaan ng mga bata ang isa o dalawang okasyon na sinorpresa sila ng ama ng
kaluwagang-palad nito- sadyang nag-uwi ito para sa kanila ng dalawang supot na puno
ng pansit guisado at masaya nilang pinagsaluhan ang pagkain na hirap nilang ubusin.
Kahit na ang ina nila'y masayang nakiupo sa kanila at kumain ng kaunti.
Pero hindi na naulit ang masayang okasyong iyon, at ngayo'y hindi na nag-uuwi ng
pagkain ang ama; ang katunaya'y ipinapalagay ng mga batang mapalad sila kung hindi
ito umuuwing lasing at nanggugulpi ng kanilang ina. Sa kabila nito'y umaasa pa rin sila
at kung gising pa sila sa pag-uwi sa gabi ng ama, naninipat ang mga matang titingnan
nila kung may brown na supot na nakabitin sa tale sa mga daliri nito. Kung umuwi itong
pasigaw-sigaw at padabug-dabog, tiyak na walang pagkain, at ang mga bata'y
magsisiksikan, takot na anumang ingay na gawin nila ay makainis sa ama at umakit sa
malaking kamay nito upang pasuntok na dumapo sa kanilang mukha. Madalas na
masapok ang mukha ng kanilang ina;madalas iyong marinig ng mga bata na humihikbi
sa mga gabing tulad nito, at kinabukasan ang mgapisngi at mata niyon ay mamamaga,
kaya't mahihiya iyong lumabas upang maglaba sa malalaking bahayna katabi nila. Sa
ibang mga gabi, hindi paghikbi ang maririnig ng mga bata mula sa kanilang ina, kundi