Makakuha ng mga sagot ng eksperto sa iyong mga tanong sa IDNStudy.com. Ang aming mga eksperto ay handang magbigay ng malalim na sagot at praktikal na solusyon sa lahat ng iyong mga tanong.

Reporter's Notebook: Tirang pagkain sa basurahan, laman-tiyan ng ilang Pilipino sa gitna ng pandemya Oras na para sumabak sa trabaho si Sheils Cesista 30 taong gulang. Isa siya sa tagapili ng basura sa junk shop. Sa basura na nasa tambakan na ito, umaasa ang ilang pamilya dito para sa kanilang araw-araw na pangkabuhayan pero hindi lang 'yan dahil umaasa d-rin sila dito para sa pagkain nila. Nag-umpisa silang magtrabaho dito noong 6 years ld pa lamang siya. Habang hinahawakan ang mga basura walang kahit anong suot na gwantes Sheila isang lumang cloth mask ang gamit niya. Binabayaran si Sheila ng may-ari ng junkshop sa kanyang pagpipili. Nakadepende ang kita niya kung ilang kilo ng basura ang kanyang mahihiwa-hiwalay. "Magkano ba ang kinikita mo?" "Pag ano po, nakaka 133 po ako, pambili na po iyon ng bigas. 200 lang po ang pinakamalki namin dito Sa gitna ng paghahanap ni Sheila may nakita siyang paborito raw ng kanyang anak, isang plastik ng candy. Nakahanap din si princess ng laruan sa isang tumpok ng basura. Pag-uwi ni Sheila agad niyang inihanda ang lutuan upang lutuin ang mga nakolekta ni Sheila mula sa tambak ng basura at ito na ang magiging tanghalian at hapunan nila. Kahit alam kung saan galing ang pagkain, nasanay na rin ang mga anak ni Sheila. Maswerte na raw ngayong araw na kakahit papaano ay may nakakain sila. Naranasan nilang hindi kumain noong panahon ng ECO. May natanggap naman na ayuda mula sa SAF ang pamilya ni Sheila ngunit hindi ito sapat para sa kanilang pangangailangan. "Sa aming mag-asawa hindi na baleng tiisin namin ang gutom huwag lang ang mga anak namin. Tubig na lanag po ako ng tubig sa buong araw. Napakahirap po ng pandemic. Mahirap na nga, naghirap pa kaming lalo dahil sa pandemic. Kahit mahirap ang buhay, pinipilit ni Princess at Jovan na makapag-aral sila. "Ang pangarap namin sa kanila ay makapagtapos sila, makapagkolehiyo sila, kapag nakaagtapos sil andyan na pwede silang makahanp ng trabahong matino". Pagkatapos ni Sheila na managhalian balik trabaho si Sheila sa pilian. Sa bawat bukas ni Sheila umaasa siya na may makuhang gamit o plastik na pwede pang mapakinabangan. Habang namimili, tumambad kay Sheila ang tray na puno ng ulam. "May ulam na kami mamaya, masaya na ako na may ulam na kami mamaya. Dito kapag may nakukuha, hati-hati kami, bigayan kami." Sa loob ng anim na oras na pagkalkal ng basura sa piliian nakahanap si Sheila ng pananghalian at hapunan para sa pamilya. Kung tutuusin, malaking serbisyo ang ginagawa nila Sheila para mabawasan ang basura. Pero matapos ang isang buong araw na trabaho ni isang daang piso ang kinita ni Sheila. Ang isang daan ay pambili niya ng gatas at bigas. Pag-uwi ng bahay ay iprinito na ni Shiela ang isang piraso ng baboy na nakuha sa pilian at galing sa perang kanyang kinita ay bumili siya ng sawsawan. Pinagsaluhan ng buong pamilya ang biyayang nakuha sa basura.