Makakuha ng detalyadong mga sagot sa iyong mga tanong gamit ang IDNStudy.com. Alamin ang mga detalyadong sagot sa iyong mga tanong mula sa aming malawak na kaalaman sa mga eksperto.

II. Panuto: Ibigay ang angkop na mga sagot batay sa ibinigay na mga kahulugan o konsepto.
1. Siya ang nagpanukala ng continental drift theory.
2. Ito ang ginagamit na batayan sa pagtukoy ng araw ng isang bansa.
3. Ito ang tawag sa salitang naglalarawan sa mga pag-aaral sa ibabaw ng lupa.
4. Ito ay tumutukoy sa katangiang pisikal at sa mga taong naninirahan sa isang pook.
5. Ito ang tawag sa pag-aaral sa pisikal na katangian ng mundo at ang interaksiyon ng tao sa
kaniyang kapaligiran.
6. Sa pagtukoy ng lokasyon, ito ay ginagamitan ng longhitud at latitud upang matukoy ang
isang lugar o bansa.
7. Anong lokasyon ang tinutukoy kung ang ginagamit ay ang mga lugar o katubigang
nakapaligid sa isang bansa?
8. Natutukoy ang lokasyon ng isang lugar o sa pamamagitan ng pagkilala sa mga anyong
lupa katulad na lamang ng mga bansa, probinsiya, at lungsod na nakapalibot dito.
9. Isang malaking bahagi ng lupa na napaliligiran ng tubig sa tatlong sulok. Tinatawag din
itong tangway.
10. Isang malawak na anyong tubig na napaliligiran ng lupa. Nabubuo ito kung mas mababa
ang lebel ng tubig kompara sa nakapaligid na lupa.


Sagot :

Answer:

1. Siya ang nagpanukala ng continental drift theory.

  • Sagot: Si Alfred Lothar Wegener

2. Ito ang ginagamit na batayan sa pagtukoy ng araw ng isang bansa.

  • Sagot: International Date Line

3. Ito ang tawag sa salitang naglalarawan sa mga pag-aaral sa ibabaw ng lupa.

  • Sagot: Heograpiya

4. Ito ay tumutukoy sa katangiang pisikal at sa mga taong naninirahan sa isang pook.

  • Sagot: Lugar

5. Ito ang tawag sa pag-aaral sa pisikal na katangian ng mundo at ang interaksiyon ng tao sa kaniyang kapaligiran.

  • Sagot: Heograpiya

6. Sa pagtukoy ng lokasyon, ito ay ginagamitan ng longhitud at latitud upang matukoy ang isang lugar o bansa.

  • Sagot: Lokasyong Absoluto

7. Anong lokasyon ang tinutukoy kung ang ginagamit ay ang mga lugar o katubigang nakapaligid sa isang bansa?

  • Sagot: Lokasyong Relatibo

8. Natutukoy ang lokasyon ng isang lugar o sa pamamagitan ng pagkilala sa mga anyong lupa katulad na lamang ng mga bansa, probinsiya, at lungsod na nakapalibot dito.

  • Sagot: Lokasyong Relatibo

9. Isang malaking bahagi ng lupa na napaliligiran ng tubig sa tatlong sulok. Tinatawag din itong tangway.

  • Sagot: Peninsula

10. Isang malawak na anyong tubig na napaliligiran ng lupa. Nabubuo ito kung mas mababa ang lebel ng tubig kompara sa nakapaligid na lupa.

  • Sagot: Lawa